|
||||||||
|
||
May iba't ibang segments ang fahion show. Sa unang bahagi mga bulaklaking damit kung saan inspirasyon ang island lifestyle sa Pilipinas. Sinundan ito ng mga pulang gown bilang pagkilala sa kulay na madalas na sumisimbolo sa kultura at bansang Tsina. At ang mga traheng itim naman ang representasyon ng Maynila bilang isang cosmopolitan city.
Siyempre hindi pwedeng mawala ang mga trahe de boda at ayon kay Salud ito'y isa ring paraan para ipakilala ang Pilipinas bilang wedding at honeymoon destination sa mga Tsino.
Mga beaches at bulaklak ng Pilipinas ang inspirasyon ng mga damit na ito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |