
Siguro 99.99% ng mga babae nangangarap na sila ay alujin ng kasal ng isang lalaki sa di-malilimutang paraan. Ang isang halimbawa ay iyong pag-aabot ng singsing kasabay ng pananalitang "Will you marry me?" Iyong iba naman ay nag-aabot ng bulaklak at makaraang lumuhod sa isang tulad sasabihin, "I want yu to be the mother of my future children."
Pero sa Dongguan, bayan sa Lalawigang Guangdong sa katimugan ng Tsina, noong isang linggo, nagulat si Ms. Liao nang magpopose sa kanya ang kanyang boyfriend na si Mr. Lian. Nagulat siya kasi ang lalaki ay nakasuot ng underwear ng babae nang magpropose.