Pera at mensaheng iniwan ng magnanakaw
Iniulat kamakailan ng isang lokal na TV channel sa Tsina ang isang kawili-wiling pangyayari. Ayon sa ulat, mahirap na mahirap ang pamilya ni Ginang Zhang na nakatira sa isang naupahang pabahay sa rural area sa Xuzhou, lunsod sa silangang Tsina. Noong isang araw, umuwi sa bahay si Ginang Zhang pagkatapos ng trabaho, at natuklasan niyang pinasok ng magnanakaw ang kanyang bahay at hinalughog ito. Pero, pagkaraang maingat na suriin, natuklasan ni Zhang na wala namang bagay na tinangay. At lalo pa't lampas sa kanyang inaasahan, nakita niya sa mesa ang dalawang daang yuan RMB at isang mensahe ang iniwan ng magnanakaw. Sinulat ng magnanakaw ang "pasensiya na pumasok ako sa bahay niyo. Medyo talagang walang makukuha sa inyong bahay at wala pa akong nakikitang pamilya na kasinghirap ninyo. Iyong dalawang daan yuan ay sa iyo para mapalitan ang susian na nasira ko."
Anu-ano ang sinasabi nina Kuya Ramon at Lakay Rhio hinggil sa pangyayaring ito? Anu-ano ang sinasabi nila hinggil sa ganitong uri ng magnanakaw? Pag-usapan Natin!
Pag-usapan Natin 20140502
|