Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Voices of Gratitude: Himig Pasasalamat at Awit Pangkaibigan

(GMT+08:00) 2014-07-29 17:06:11       CRI

Matapos masalanta ng bagyong Yolanda ang Tacloban, ipinamalas ng buong daigdig ang agarang pagdamay sa mga biktima ng super typhoon. Sa panahon ng matinding pangangailangan kusang loob na nag-abot ng tulong ang mga taga Shanghai. Ang mga Pilipino, kasama ang mga kaibigang Tsino at dayuhang naninirahan sa Shanghai ay aktibong lumahok sa iba't ibang mga charity events para mangalap ng donasyon para sa mga nasalanta ni Yolanda.

Ayon sa datos na ibinahagi ng Philippine Consulate General in Shanghai, umabot sa Php 2,700,000.00 ang nakalap na pondong ipinadala sa Pilipinas. Bilang pasasalamat sa lahat ng mga taga-Shanghai na walang pag-iimbot na tumulong sa mga Pilipinong biktima ng bagyong Yolanda, magkakasamang itinaguyod ng Philippine Soong Qing Ling Foundation, Philippine Consulate General at Filipino Community in Shanghai ang Voices of Gratitude.

Ang Voices of Gratitude ay isang konsiyerto na nagtampok sa sikat at premyadong Loboc Children's Choir.

Sa sampung taong pagkakawanggawa ni Michelle Teope-Shen, Pangulo ng Filipino Community in Shanghai, nasaksihan niya ang agaran, kusang-loob at malakihang mga charitable events para sa mga biktima ni Yolanda na pinangunahan ng mga Pinoy sa Shanghai at mga karatig lunsod.

Kinapanayam ng Mga Pinoy sa Tsina si Michelle Teope-Shen, Pangulo ng Filipino Community sa Shanghai at kanyang ibinahagi na isang buwan lang ang panahong iginugol ng working committee para isakatuparan ang konsiyerto. Ani Bb. Shen, kakaiba ang ipinamalas na pagkakaisa ng Filipino Community at sila ay nagkusang isagawa ang kani-kanilang mga charity events. Kaya't bilang sukli, naisip ng mga tagapag-organisang iparating ang taos-pusong pagkilala sa kabutihan at mapagkawang-gawang kalooban ng mga kaibigang Tsino, miyembro ng expat community at mga OFW.

Si Michelle Shen, kasama si Ambassador Carlos Chan, Chairman ng Philippine Soong Qing Ling Foundation at mga miyembro ng Loboc Children's Choir

Nakakabilib ang Loboc Children's Choir. Kanilang pinatunayan kung paano naging instrumento ang musika para isulong ang pagkakaibigan ng mga Pinoy at mga Tsino. Isang gabi ng musika, isang gabi ng kapatiran, isang gabi ng pakikipagkaibigan. Ito ang hangad ng Voices of Gratitude tribute concert. Nawa sa hinaharap maulit at mas dumami pa ang pagkakataon para magtulungan ang mga miyembro ng Chinese, Filipino at expat communities sa Shanghai.

Si Chen Yifei (kaliwa) kasama ang kanyang kaibigan at nanay nitong si  Wang Xiaoyun (kanan)

Pakinggan ang buong panayam sa pamamagitan ng audio link sa itaas. Siguruhing gumagana ang latest version ng Flash Player para sa maalwang pakikinig. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina punta na sa website na filipino.cri.cn. Mapapakinggan din ang programang ito sa iTunes Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>