|
||||||||
|
||
MPST20140820EdLlagas
|
Isang entertainer na may 20 taong karanasan sa pagtugtog ang tampok ngayon sa Mga Pinoy sa Tsina. Ang Shenzhen unang destinasyon bilang musikero ni Eduardo Llagas. Matapos ang limang taon, pinuntahan ng singer at bahista ang Sanya, isang island paradise sa dakong timog ng Tsina. Sa sikat na island destination ngayon naninirahan at nagtratrabaho si Ginoong Llagas. Ang Sanya ang kanyang ikalawang tahanan sa loob ng 14 na taon.
Kasalukuyang nagtratrabaho sa Horizon Resort and Spa ang Sweet Notes Band kung saan band leader si Eduardo Llagas. Kasama niya sa grupo sina Mayrelyna Telen, Juan tionloc at Chatelyn Ladra.
Sa kanyang higit isang dekadang pamamalagi sa Sanya, nasaksihan ni Llagas ang pagdami ng mga resort at 5-star hotels sa Sanya. Ang dating bakanteng tabing-dagat ngayon ay puno ng mga establisyemento. Ito na ngayon ang natatanaw bilang Sanya skyline.
Dahil isang beterano, pinagkatiwalaan si Llagas ng kapwa musikero para pamunuan ang Association of Filipino Communities in Hainan (AFILCOH). Ito ay samahan ng mga Pinoy sa buong lalawigan ng Hainan at isang samahan ding malalapitan kung sakaling malagay sa alanganin ang isang OFW.
Sa haba ng kanyang karanasan bilang musikero sa Tsina, isang bagay na kanyang ikinalulungkot-- ang pagkakaroon ng mga "alias" o musikerong nagpapanggap na marunong silang humawak ng instrumento. Ito aniya ay isang malaking kasiraan para sa maraming mga Pilipino na tunay na nagbabahagi ng kanilang talento para aliwin ang mga bisitang dayo sa Sanya.
Alamin ang iba pang mga payo ni Eduardo Llagas sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Sa inyong mga computer, mapapakinggan ang buong interview kung updated ang bersyon ng inyong Flash Player. Sa mga smartphone at tablet users, magdownload ng Podcast ng Kape at Tsaa. Para sa iba pang kwento ng mga OFW sa Tsina, punta sa sa website na filipino.cri.cn Sa Facebook, i-like ang CRI Filipino Service para makuha ang mga updates hinggil sa aming mga programa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |