Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sarap Buhay Group sa Sanya: "Hindi Pa Tapos ang Laban"

(GMT+08:00) 2014-07-22 15:34:56       CRI


Ilang miyembro ng SGB na walang pagdadamot na tumutulong sa kapwa Pilipino sa Tsina, patunay na kanilang isinasabuhay ang ugaling Pinoy na bayanihan kahit nasaan.


Isa sa di malilimutang tagpo nina Roger at Belen Cataneda ang makitang harapang ang iniidolong artista na si Jackie Chan, na minsang pumasyal sa tinutugtugang hotel sa Sanya.

Sina Roger at Belen Castaneda, mga lider ng SBG

 

Iba-iba ang kapalaran ng bawat Pilipinong nangangahas mangibang bayan para magtrabaho. Marami ang nagtatagumpay at marami rin ang nabibigo.

Kapag nasa abroad sino pa ba ang magtutulungan kundi ang magkababayan. Ito ang paniniwala ng mag-asawang Roger at Belen Castañeda. 1999 tumulak papuntang Tsina ang mag-asawang mang-aawit para magtrabaho sa Shenzhen. Sa kanilang halos limang taong pamamalagi sa Shenzhen, nakasalamuha nila ang mga OFW na biktima ng illegal recruitment o kaya'y nagkaproblema sa kumpanyang pinapasukan. Dito nabuo ang Sarap Buhay Group o SGB.

Ani ng mag asawa na pitong taong nang nagtatrabaho sa isla, ang Sanya ay tinaguriang Hawaii ng Tsina. Ito ay sikat na bakasyunan di lamang ng mga Tsino kundi pati mga dayuhan tulad ng Ruso at Koreano. Mula Shenzhen, ipinagpatuloy ng mag-asawa ang mga gawain ng SGB sa Sanya. Kung noon umabot sa 30 ang bilang ng mga Pinoy na namumroblema sa kanilang mga dokumento, sa Sanya malaki ang kaginhawaan ng mag-asawa dahil karamihan sa mga OFWs dito ay may legal ng visa at maayos na kontrata.

Napakamakulay ng mga karansan ni Roger habang malayo sa ating bansa. At ito ay isinasalaysay niya sa pamamagitan ng mga orihinal na kumposisyon. Ibinahagi ng Tagapagtatag at Pangulo ng SGB ang dalawa sa kanyang mga kanta. Una ang Hindi pa Tapos ang Laban na alay niya sa pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Ang ikalawa ay handog niya sa mga kababaihang iniwan ang pamilya para magtrabaho sa ibayong dagat.

Kung papalarin, hangad nila Roger at Belen Castañeda na magpatuloy pa sa kanilang pag-awit at pagbibigay saya sa mga bisita ng Sanya. Hangga't may lakas, patuloy din ang SGB sa pagtulong at paggabay sa kapwa mga OFW, na tulad din nila ay nangingibang bayan, para tupdin ang mga pangarap dito sa Tsina.

Ang buong panayam ay mapapakinggan sa iTunes PODCAST na Kape't Tsaa. Para sa iba pang episode ng Mga Pinoy sa Tsina, punta na sa website ng filipino.cri.cn. sa Facebook, i-Like ang CRI Filipino Service para makuha ang mga updates hinggil sa iba't ibang mga programa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>