|
||||||||
|
||
11th CAEXPO Pilipinas
|
Mula Golden Decade, ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN ay umuunlad patungo sa Diamond Decade. Ang ikalabing-isang taon ng pagdaraos ng China ASEAN Expo (CAEXPO) ay patuloy na nagdudulot ng mga bagong pagkakataon para sa mga negosyante mula sa sampung bansang ASEAN na naglalayong makapasok sa pamilihang Tsino.
Si Doris Gacho ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM)
Jacildo's Handicraft
Para sa Pilipinas, ang nakalipas na sampung taon nang paglahok sa CAEXPO ay naging mabunga para sa sektor ng pagkain. Ayon kay Doris Gacho ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) tampok ngayong taon ang "Products with Passion." Ang mga exhibitors ay kinabibilangan ng mga datihan at baguhang manufacturers. Ang Jacildo's Handicraft ay anim na beses nang lumahok sa CAEXPO. Bumabalik si Arnel Jacildo sa Nanning dahil alok nito ang magandang pagkakataon para sa kanilang mga produkto. Ani Arnel Jacildo, ito ay unang hakbang tungo sa mas malaking merkado. First-time exhibitor naman si Ramon Candaza. Tampok sa kanyang booth ang mga abaca products mula sa Albay. Umabot sa Php 150,000.00 ang puhunan niya para makasali sa CAEXPO. At umaasa siyang mauubos ang dala niyang mga produkto. Pero higit dito isa sa kanyang hangad ay makakilala ng buyer ng abaca dahil malaki ang maitutulong niyo sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo sa Albay. Sa kanyang panayam sa CRI Serbisyo Filipino, sinabi ni Undersecretary Nora Terrado ng Department of Trade and Industry at Puno ng Delegasyong Pilipino sa CAEXPO ngayong taon, na lingid sa kaalaman ng marami na ang CAEXPO nitong 10 taong nakalipas ay instrumentsl sa import at export sa pagitan ng Tsina at Pilipinas partikular sa sektor ng pagkain. Sa Philippine Investment Promotion, naganap ang pirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Philippine Investments Promotions Plan Steering Committee at China ASEAN Fund.
Si Ramon Candaza
Si Undersecretary Nora Terrado ng Department of Trade and Industry at Puno ng Delegasyong Pilipino sa CAEXPO
Tampok sa Mga Pinoy sa Tsina ang mga panayam ni Machelle Ramos sa mga nabanggit na miyembro ng delegasyon ng Pilipinas na lumahok sa Ika 11 China ASEAN Exposition.
Ang programa ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang Mga Pinoy sa Tsina ay mapapakinggan din sa PODCAST hanapin at i-download ang Kape at Tsaa. Sa Facebook, maaring i-share ang kwentong ito hanapin at i-like ang CRI Filipino Service.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |