Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kaliwat Performing Artists Collective sa CAEXPO

(GMT+08:00) 2014-09-30 18:15:11       CRI

Ang mga miyembro ng Kaliwat Performing Artists Collective ay kasama ng delegasyon ng Pilipinas na dumalaw sa Nanning, Guanxi sa timog na bahagi ng Tsina, para ipakilala ang Davao Region bilang tourism at investment destination.

Malayo pa'y dinig na ang himig ng kulintang, agong, kubing at gitara. . Kung Pinoy ka alam mong sariling atin ang tunog na ito. Para sa mga dayuhan ito'y isang kataka-takang tagpo. Suot ang tradisyunal na kasuotan ng mga Manobo, tatlong performers sumasayaw, tumutugtog at umaawit ng mga awiting Pinoy at kantang mula sa Mindanao. Ang Kaliwat Performing Artists Collective ay binubuo nina Rosamae Joy Villocillo, Richard Dian Vilar, Artistic Director ng grupo at si Renante Barrete.

Sa Philippine pavillion, tanaw ang maraming mga tao na nanonood, ang iba nakalabas ang cellphone at abala sa pagkuha ng video at litrato. Malapit sa entablado, may mga miyembro ng media na kinukunan ang presentasyon. Ito ang unang pagdalaw ng Kaliwat sa Nanning. Sila ay mga tubong Davao at bahagi ng delagasyong nagpapakilala sa Davao Region bilang City of Charm sa Ika 11 China ASEAN Expo (CAEXPO).

Para sa mga manonood na Tsino, hindi man nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga kanta dahil sa magkaibang wika, hindi maitatanggi ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Nanning sa grupong Kaliwat. Pakinggan natin ang naging panayam ni Machelle Ramos at alamin ang naging saloobin ng Kaliwat Trio sa kanilang karanasan sa CAEXPO sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>