Mga kaibigan, makikita ninyo sa mga litrato ang Shuangfu Village, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa timog kanluran ng Tsina. Matatagpuan ang nayong ito sa kabundukan sa hilagang kanlurang bahagi ng naturang rehiyong awtonomo.
Napansin ba ninyo ang kulay ginto sa mga litrato? Alam ba ninyo kung ano ito?
Kinuha ang naturang mga litrato noong noong ika-25 ng nagdaang Hulyo, pagkaraan ng isang masaganang ani sa Shuangfu Village. Ibinibilad ng mga lokal na magsasaka ang mga bagong aning mais sa bubungan at bakuran ng kani-kanilang bahay, para patuyuin at nang sa gayo'y maari itong maimbak.
Ang gintong kulay ng mga mais, na simbolo rin ng masaganang ani, ay nagiging isang dagdag sa magandang likas na tanawin sa Shuangfu Village.