Kasabay ng pagbubukas ng Tsina, nagsimula rin ang trabaho ni Alvin Po bilang isang Inhinyero sa Tsina. Gamit ang karanasan sa pagtatayo ng isang kumpanyang ISO compliant, tinanggap niya ang bagong hamon at sinimulang magtrabaho sa ibang bansa. Noong dekada 90, bukod sa kanyang mayamang karanasan, bentahe niya ang kakayahang magsalita ng wikang Ingles. Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina, inalam ni Mac Ramos ang kuntil butil para magtagumpay sa larangan ng manufacturing. Bukod dito, nagbahagi rin si Ginoong Alvin Po ng kanyang mga pananaw hinggil sa pagkakaiba ng takbo ng industriya sa Pilipinas at Tsina. Pakinggan ang buong panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Alvin Po
Si Alvin Po, kasama si Mac Ramos ng Serbisyo Filipino