Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sally Chua, Halos 30 Taong Pamumuhay sa Shenzhen

(GMT+08:00) 2016-09-28 16:20:34       CRI

1987 nang mabigyan ng oportunidad si Sally Chua na magtrabaho sa Tsina. Sa Pilipinas, mahaba na ang kanyang karanasan sa garments industry at nang alukin ng trabaho sa isang malaking factory sa Shenzhen, nagdesisyon siyang tanggapin ito at gawin ang malaking hakbang na magbabago sa takbo ng kanyang hikahos na pamumuhay.

Pero hindi rin naging madali ang simula ng kanyang buhay OFW. Isang atrasadong lugar ang Shenzhen nang dumating siya noong Dekada 80. Walang nakakapag Ingles. Ang pabrika nasa ilang na lugar at napapalibutan ng malalawak na mga taniman, at talagang iba ang kultura.

Laging tanda ang payo ng magulang "Nasa Diyos ang Awa, nasa tao ang gawa," nagpursige si Sally Chua. Sanay siya sa hirap. Sanay na magbanat ng buto. Sa isip niya lahat ay makakaya niya.

Para matuto ng salitang Tsino hindi siya natutulog kapag lunch break at nag-aaral. "Usisera" ang ginamit niyang salita para ilarawan ang kanyang paraan para matuto at alamin ang proseso at galaw sa pabrika. Di nagtagal madali na siyang nakapag-adapt sa sistema.

Marami pa siyang naging diskarte sa buhay na naging susi ng kanyang masayang pamumuhay sa Shenzhen. Pakinggan ang iba pa niyang mga naranasan sa loob ng 30 taong paninirahan sa Shenzhen sa panayam ni Mac Ramos ng programang Mga Pinoy sa Tsina.

Sina Sally Chua (kaliwa sa litrato) at Machelle Ramos mula sa CRI Filipino Service.

Ang Chua Family, mag-asawang Sally at Joel, kasama ang kanilang mga anak na sina Jojo at Mimi.

Larawan na kuha noong bagong dating si Sally Chua sa Tsina taong 1987, anim na oras ang biyahe ng grupo sa bus mula Panyu tungong Zhuhai para lang makatawid ng Macau at makakain sa McDonald's.

Grupo ng mga Pinoy na kasama ni Sally Chua na nagsimba sa isang cathedral sa Guangzhou.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>