|
||||||||
|
||
Hakka Tulou
|
Ang pagdalaw sa mga heritage sites ay isang napakainam na paraan para lubos na maunawaan ang kultura at pamumuhay ng mga tao. Madalas na nababanggit ng mga kababayang Pinoy na nasa Fuijian province ng Tsina ang isang UNESCO World Heritage site na "must see" sa lalawigan. Ito ang mga Hakka tulou o ancient earthen dwellings.
Top shot ng isang grupo ng mga Tulou.
Sa programang Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ni Consul General Julius Ceasar Flores ang kaniyang impresyon sa Nanjing tulou. Paliwanag niya ang mga tulou ay sinaunang mga communal dwellings. Kumpletong pamayanan ang mga tulo at iba't iba ang hugis, may bilog at may parisukat. Ani ConGen Flores nakakamangha ang pagkakagawa ng mga tulou. Kung ang mga bansang kanluranin ay may mga kastilyong bato, sa Fujian pantapat nila ang tulou na nagpakita ng sulong na kaalaman sa pagtatayo ng fortifications o muog para itaboy ang mga kalaban noong sinaunang panahon.
Chengqi Tulou, o mas makilala bilang "King of Tulou."
Top shot ng Chengqi Tulou na makikita sa Yongding District, Lalawigang Fujian.
Sa loob ng Chengqi Tulou.
Samantala, di naman maiwasang sumagi sa isip ni Dan Osillos, isang Designer at Photographer ang Baguio habang papunta siya sa Yonding Tulou. Apat na oras ang byahe mula Xiamen. Zigzag at foggy ang daan papunta dito. At sa bungad pa lang ng Yonding Tulou namangha na siya sa nakitang arkitektura ng tulou.
Sa loob ng Qiaofu Tulou.
Kwento niya napakakapal ng pader palibot nang tulou na gawa sa putik, dayami at mga local na materyal na makikita noong 12th Century. Sa labas ilang maliliit na bintana lang ang makikita pero sa loob nakakagulat na pwedeng tumira dito ang halos 800 daang pamilya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |