Mula May 14-15 ay gaganapin sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation at kumpirmado po ang pagdalo dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hinggil dito, hatid namin ngayong araw ang espesyal na panayam sa bagong talagang sugo ng Pilipinas sa Tsina wala pong iba kundi si Embahador Jose Santiago Sta. Romana.
Kinapanayam ni Jade Xian, Direktor ng CRI Filipino Service si Ambassador Sta. Romana sa pasuguan nitong Martes at kanilang pinag-usapan ang One Belt One Road Initiative na isinusulong ng Tsina. Maging ang mahalagang usapin ng ASEAN Connectivity at ang mga kaugnayan nito sa Belt and Road. Pakinggan po natin ang nasabing panayam.