Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rene Robles' The Art in Assertionism exhibition, itinatanghal sa Xiamen

(GMT+08:00) 2018-02-22 16:08:51       CRI

Ang prinsipyo ng Assertionism ay: Art which has power asserts transforms and transcends. Founder at pioneer ng art movement na ito ay walang iba kundi si Ireneo "Rene" Robles.

"The Art in Assertionism" sa Xiamen Art Gallery

Kilalang-kilala, iginagalang at pinarangalan na sa mga kanluraning bansa ang Assertionism. 1986 nabuo ni Rene Robles ng istilong ito habang naninirahan sa New Jersey, USA.

Si Rene Robles (gitna) inihandog ang katibayan sa kanyang painting na "Love" na inalay ng pintor sa Xiamen Art Gallery. Kasama sa larawan sina Consul General Julius Caesar Flores (kaliwa) at Mdm. Chen Juan, Direktor ng Xiamen Art Gallery (kanan).

Binuksan Pebrero 9, 2018 sa Xiamen Art Gallery ang "The Art in Assertionism" kauna-unahang exhibition ng kilalang Filipino visual artist sa mainland ng Tsina.

Kinapanayam ni Mac Ramos ng Serbisyo Filipino si Rene Robles.

Sa ekslusibong panayam ng CRI Filipino Service, ipinahayag ni Robles ang kagalakang madalaw ang Xiamen. Di lingid sa kanyang kaalaman ang sariling istilo sa pagpipinta ng mga Tsino. Sa kanyang one-man exhibit nais niyang ipakilala naman sa Tsina ang sariling likhang istilo.

"Gusto ko lang magising ang ibang mga artists mula sa ibang bansa na ang ordinary things ay dapat mahalin at balikan at marunong tayong bumalik kung saan man tayo nanggaling. Yun kasi ang style ko actually".

"Love," obra ni Robles na inihandog sa Xiamen Art Gallery

Aniya pa, "Magandang pagkakataon ito para sa pagpapalitan at mai-relate o maiugnay ang identidad ng Pilipino sa identidad naman ng mga Tsino. Walang kompetisyon dahil bilang pintor ako'y may natatanging istilo."

Inihandog ni Robles ang kanyang obra na tinawag niyang "Love" sa Xiamen Art Gallery para maging parte ng koleksyon nito. Paliwanag ng pintor ang pulang bulaklak ay sumisimbolo sa Tsina at ang assertionism ng silya at lamesa ay simbolo na pwedeng makipagkaibigan (ang Pilipinas sa Tsina) ng mahabang panahon.

Ang "Art in Assertionism" Exhibit ay itinataguyod ng Kunsulado ng Pilipinas sa Xiamen, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts, Filipino Chinese General Chamber of Commerce- Youth Committee at ng Xiamen Art Gallery.

Ang "The Art in Assertionism" ay makikita sa Exhibition Hall C ng Xiamen Art Gallery mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 21, 2018. Bukod dito makikita rin ang ilan sa mga art pieces ni Rene Robles sa Marc's Cafe, 3rd floor Gallery, Coffee Road, Xiamen City simula Pebrero 10 hanggang Pebrero 21, 2018.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>