|
||||||||
|
||
BFSU Students
|
BFSU Philippine Studies
|
Nasa unang taong ng kanilang pagkuha ng kursong Philippine Studies sa Beijing Foreign Studies University sina Tian Ge o Tiffany, Tang Wenjun o May at Wang Haixu o Kulas.
Sina Kulas (kaliwa), May (gitna) at Tiffany (kanan)
Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina sinabi ni Tiffany na sa background ng lumlawig na impluwensiya ng Belt and Road Initiative ng isunusulong ng Tsina, nag-aalok ito ng opportunidad para sa mga mag-aaral na may kaalaman hinggil sa Pilipinas.
Dagdag ni May, ngayong pabuti nang pabuti ang ugnayan ng Tsina at Pilipinas, ang komunikasyon ay tulay sa mabuting turingan di lamang ng pamahalaan kundi ng mga mamamayan.
Selfie ng mga BFSU students, kasama si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana
Samantala, ani Kulas talagang interesado siya sa pag-aaral ng wika. Ngayong estudyante siya ng Philippines Studies, napalapit na sa kaniyang puso ang wika at kultura ng Pilipinas.
Marami pang ibinida ang tatlong mag-aaral na Tsino at lahat ng ito ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |