|
||||||||
|
||
MPST20180131BFSUII
|
Sa kasalukuyan may 2 pamantasan dito sa Beijing ang nag-aalok ng degre sa Philippine Studies. Ito po ang Peking University at ang Beijing Foreign Studies University o BFSU.
Nitong nagdaang autumn dumalaw po sa BFSU ang 14 na mga estudyante mula sa Ateneo, UST at Dela Salle University para po maki pag interact sa 14 ding Chinese students na nasa first year ng Philippine Studies program ng BFSU.
Ang pagdalaw sa Tsina ay sponsored ng Chinese Embassy sa Pilipinas at hangad nitong isulong ang pagpapalawig ng kaalamang kultural sa pagitan ng mga kabataang Tsino at Pilipino.
Inawit ng mga estudyanteng Tsino ang Mahal Kita Kasi.
Bilang pagsalubong sa mga bisita inawit ng mga Chinese students ang Mahal Kita Kasi.
Kinapanayam ni Mac Ramos ng Serbisyo Filipino si Rovin Andrew Feliciano, delegate mula sa Ateneo School of Governance.
Ikinagulat ni Rovin Andrew Feliciano, delegate mula sa Ateneo School of Governance na kahit ilang buwan pa lang na nagbukas ang Philippine Studies program, ramdam niya na niyakap ng mga kabataang Tsino ang pag-aaral ng kulturang Pilipino. Pinahalagahan niya ang ibinubuhos na oras at pagpupunyagi ng mga estudyante sa pag-aaral ng isang dayuhang wika tulad ng Filipino.
Ayon naman kay Xu Ruotang, mag-aaral ng Philippine Studies, mahalaga ang aktibidad na ito dahil binigyan sila ng oportunidad na makausap ang mga dayuhang mula sa bansang kanilang pinag-aaralan ang wika. Masaya siya dahil natuklasan niyang parehong nais malaman ng isat isa ang mas maraming bagay hinggil sa kultura.
Sina Xu Ruotang (gitna) at Wang Haixu (kanan), kasama si Professor Xu Hanyi (kaliwa) ng Philippine Studies program ng BFSU.
Naniniwala naman si Wang Haixu na tunay na pinabuti ng aktibidad ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga Tsino at Pilipino. Masaya siyang malamang kinalugdan ng mga kabataang Pinoy ang kanilang awit. Maganda ang resulta ng kaniyang paghihirap sa pag-aaral ng kantang ito.
Matapos ang pagdalaw sa ilang kilalang tourist sites sa Beijing, ang delegasyon ay tumulak papuntang Xinjiang.
Ang mga estudyanteng Tsino ng Philippine Studies program ng BFSU, kasama ang delegasyong Pinoy mula sa Ateneo, UST at DLSU.
Sabik si Rovin Andrew Feliciano, na Konsehal din sa Lunsod ng Valenzuela sa kanilang byahe sa Xinjiang dahil makikita niya ang dalawang mukha ng Tsina. Kanyang titingnan ang urban development sa Beijing at aalamin ang proseso ng rural to urban development naman sa Xinjiang.
Mapapakinggan ang mga insights nila Xu Ruotang, Wang Haixu at Valenzuela Councilor Rovin Andrew Feliciano sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |