|
||||||||
|
||
United Architects of the Philippines—Shanghai Chapter
|
Sina Alex de Dios (kaliwa) at Edgardo Budoy (kanan), Pangulo ng Shanghai chapter ng United Architects of the Philippines
Si Architect Edgardo Budoy ang kasalukuyang Pangulo ng Shanghai Chapter ng United Architects of the Philippines.
Ilan sa layunin ng grupo ang patuloy na pagpapaibayo ng propesyon at pagsusulong ng mga aktibidad na magpapataas sa kakayahan ng mga arkitekto.
Kabilang dito ang Knowledge Sharing, Talks, pagsali sa mga symposium at exhibition design convention na itinataguyod ng mga professional organizations sa mainland China.
Mga miyembro ng UAP- Shanghai Chapter
Sa programang Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ni Arch. Budoy kasama si Arch. Alex de Dios, isa sa mga Directors, ang mga pinakahuling aktibidad ng samahan. Naikuwento rin ni Arch. de Dios ang bentahe ng pagiging miyembro ng UAP sa Tsina lalo pa't lumipat siya ng trabaho mula Beijing at ngayon ay muling nakabase sa Shanghai.
Chartering Anniversary Celebration ng UAP-Shanghai noong Marso 2018
Bukod dito, ibinahagi rin ng dalawang arkitekto ang kanilang mga palagay hinggil sa pagbabago at pagbubukas sa labas ng Tsina, kung saan katuwang sa mga adhikaing pangkaunlaran ng bansa ang mga tulad nilang arkitekto. Ang mga detalye ay mapapakinggan sa Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |