Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pinoy, aktibong lumahok sa Ika-21 Shanghai Film Festival

(GMT+08:00) 2018-07-13 18:26:47       CRI

Sa katatapos na Ika-21 Shanghai International Film Festival, aktibong lumahok ang ilang siakt na personahe mula sa industriya ng pelikula ng Pilipinas. Sa programang Mga Pinoy sa Tsina kanilang ibinahagi ang kahalagahan ng film festival na ito lalo na sa masiglang masiglang galaw ng film industry sa Pilipinas.

Si Ed Lejano, Festival Director ng Quezon City Film Festival o QCinema, habang kinapanayam ng mamamahayag ng CRI Serbisyo Filipino

Mapapakinggan sa progama ang mga pananaw ni Ed Lejano, Festival Director ng Quezon City Film Festival o QCinema. Matapos lumagda sa Memorandum of Understanding para sa Pagtatatag ng Belt and Road Film Festival Alliance, sinabi niyang napakahalaga ng pakikipag-alyansa, lalung-lalo na sa panahong ito, dahil ang cultural diplomacy sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga pelikula ay mas makakapagpalalim ng ugnayan, lalo pa't dumaan ang Tsina at Pilipinas sa ilang pagsubok kamakailan. Kinilala niya bilang napakahalagang kasangkapan ang Belt and Road Alliance sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang panig. Sa Agosto ngayong taon ani Lejano idaraos ang Philippine Film Week sa Shanghai, samantalang sa 2019 naman, gaganapin ang Chinese Film Week sa Pilipinas.

Si Raya Martin habang kinakapanayam ng mamamahayag ng CRI Serbisyo Filipino

Ang Shanghai International Film Festival (SIFF) ay isa sa pinakaimpluwensyal sa Asia. Ipinahayag ito ni Raya Martin, tanging Pilipinong juror sa Asian New Talent Award ng Ika 21 SIFF. ipinahayag ni Martin na sinusuportahan ng SIFF ang mga batang filmmakers at sinusuportahan nito ang dibersidad. Aniya pa, "First time kong pumunta sa Tsina, diretso pa sa isang pestibal sa Shanghai, ang lahat ay bago at kapanapanabik. Natututo ako tungkol sa kultura at nakakikilala ng mga tao sa tulong ng mga pelikula." Bilang isang inampalan, ipinahayag ni Martin "Pinakaimportante sa akin, bukod sa mga ideas o konsepto ng pagkukwento yung emotions, yung mararamdaman mo pag narinig mo yung ganoong kwento, kung ano ang nahuhukay niya sa iyo. Importante na maramdaman ko yung sinasabi ng pelikula."

Makikita ang mga manonood ng pelikulang kalahok sa ika-21 SIFF.

Dalawang pelikula mula sa Pilipinas ang lumalahok ngayong taon sa Asian New Talent Award ng Ika 21 Shanghai International Film Festival (SIFF). Ang pelikulang Respeto ay tumanggap ng nominasyon para kay Alberto Monteras II bilang Best Director at Best Actor nominee naman ang bidang si Abra. Samantala, ang Nervous Translation ay nominado para sa Best Script Writer (Shireen Seno), Best Actress (Jana Agoncillo) at Best Cinematographer (Jippy Pascual/Dennese Victoria).

Panayam ng CRI Kay Alberto Monteras II

Sa panayam ng CRI Filipino Service, sinabi ni Monteras na ipinagmamalaki niyang maging bahagi ng kumpetisyon ng mga pelikulang kapwa tumatalakay sa usapin ng karapatang pantao. Pangunahing adbokasiya niya ang paksang ito at ito rin ang dahilan kung bakit niya ginawa ang Respeto. Aniya ang hip hop ay palagiang tumatalakay sa pulitika at opresyon. "Sabik na sabik at napakasaya namin na nominado kami at bahagi kami ng SIFF dahil gusto talaga naming gawin ang Asian premier sa pestibal na ito. Noong nakaraang taon Pilipino ang nanalo at siya ang mentor ko. Privileged akong makapunta dito," dagdag ni Monteras. Ano ang tanging mensahe na nais niyang ibahagi sa mga manonood? Sagot niya, "Respeto sa sarili, respeto sa bawat tao, respeto sa karapatang pantao."

Inuwi ni Shireen Seno ang karangalan bilang Best Screen Writer sa Asian New Talent Award ng Ika 21 Shanghai International Festival (SIFF). Idinaos ang Awarding Ceremony sa Daning Theatre ng Haishang Cultural Center, gabi ng Hunyo 22, 2018.

Inuwi ni Shireen Seno ang karangalan bilang Best Screen Writer sa Asian New Talent Award.

Unang beses na lumahok si Seno sa SIFF. Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino ipinahayag niyang napakagandang plataporma ng pestibal para sa baguhang katulad niya.Si Seno ang Direktor at Manunulat ng pelikulang Nervous Translation, entry ng Pilipinas sa nasabing kumpetisyon. Dagdag niya, "I must say it's an amazing platform for Asian films. Coming from the Philippines it's great to be recognized on this stage. It's an honor to be recognized outside our country. And also in the region, because most of the time we look to the west for recognition. It's a different kind of high." Bakas ang pagkagulat niya matapos marinig ang pangalan at tinawag upang tanggapin ang tropeo. Ani Seno ang pagkilala ay magsisilbing encouragement sa paggawa ulit ng ibang pelikula, sa pag connect sa ibang tao na talagang dahilan kung bakit niya isinapelikula ang Nervous Translation. Sa kanyang speech, ikinuwento niya ang ideya sa likod ng pelikula na nagsimula sa isang panaginip. "The film started out from a dream that I had to go to relatives to ask for a pen for Nervous Translation and I thought how wonderful it would be to have such a thing. A pen that could translate the thoughts and feelings of nervous people. And I think in these modern times, a lot of the time we think or we're made to think that there are products or objects that can solve our problems. But most of the time it comes from a disconnect between the inside world and the outside world. So I just want to encourage a lot of people who don't have the courage to speak up and let themselves be heard." Ang mensahe ni Seno sa mga aspiring screen writers, "Don't be afraid to make films that are not blockbusters, crowd pleasers. Make your own stories. Always stick to your instincts and don't try to please anyone."

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>