|
||||||||
|
||
Juvan Divinagracia
|
Mahalagang bahagi ng buhay ni Juvan Divinagracia ang tennis. Sa Philippine Army, kung saan siya ay dating enlisted personnel, siya ang nangangasiwa sa mga palaro at mga aktibidad kaugnay ng nasabing isport.
Si Juvan Divinagracia
Si Mac Ramos (kaliwa) ng Serbisyo Filipino, kasama si Juvan Divinagracia (kanan)
Pero gaya ng ibang mga OFW, pinili ni Juvang umalis ng bansa at subukin ang kapalaran sa Beijing. Inalok siya na maging coach sa AGTA Academy ng Haidian Foreign Language School in Beijing. Anim na taon na siya sa trabahong ito.
Si Juvan Divinagracia habang nagsasagawa ng pagsasanay sa kanyang mga estudyante sa AGTA Academy
Si Maria Divinagracia (kanan), anak ni Juvan Divinagracia, matapos magwagi sa isang torneo ng tennis sa Beijing
Ano ang kaibhan ng AGTA Academy sa mga karaniwang sports clinics o centers? Gaano kalaki ang demand para sa mga foreign tennis coach sa Tsina? At stable ba ang ganitong klase ng trabaho? Ang lahat ng 'yan ay sinagot ni Juvan Divinagracia sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |