Ambassador Elizabeth Buensuceso: Tsina, substantive dialogue partner ng ASEAN
|
Sa episode ngayong araw ibabahagi po namin ang panayam kay Ambassador Elizabeth Buensuceso, miyembro ng Committee on Permanent Representatives ng ASEAN na nakabase sa Jakarta Indonesia. Mahalaga ang papel ng kumite na kanyang kinabibilangan sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng ASEAN. Sa kanyang speech sa dinaluhang ASEAN China Cultural Exchange event sa Nanning, kaniyang ibinahagi ang dalawang milestones na ginaganap ngayong taon hinggil sa ugnayang ASEAN-China.
Si Ambassador Elizabeth Buensuceso, miyembro ng Committee on Permanent Representatives ng ASEAN
Sa eksklusibong interbyu, ipinahayag ni Amb. Buensuceso ang ilang mahalagang isyung pulitikal hinggil sa China ASEAN Relations at ang mahalagang papel ng Pilipinas bilang country coordinator sa susunod na 3 taon.
Kinapanayam ni Mac Ramos (kanan) ng Serbisyo Filipino si Si Ambassador Elizabeth Buensuceso (kaliwa)