Justine Orduña ng Nankai University, pinulsuhan ang Relasyong Pilipino-Sino
|
Sa pagpapatuloy ng series tampok ang Filipino scholars sa Tsina, ang episode ngayong araw ay nakatuon kay Justine Orduña. Nasa unang semestre siya ng pag-aaral sa Zhou Enlai School of Government, Nankai University, Tianjin. Kumukuha siya ng Masters of International Affairs and Public Policy. Inilahad ni Justine kung paano siya napabilang sa Government Scholarship ng China at paano napili ang NanKai University sa dinami dami ng pamantasan sa Tsina. Bukod sa buhay estudyante sa Tianjin, pinulsuhan din ni Justine ang lagay ng ugnayang Sino-Pilipino at tinasa ang mga kasunduang pinasok ng Pilipinas matapos bumuti ang relasyon sa Tsina. Ang buong panayam ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Justine Orduña