Ma. Theresa Flores, Buhay Scholar sa China Foreign Affairs University
|
Nagsimula ang China adventure ni Ma. Theresa Flores nang magdesisyong mag-aral ng Mandarin language sa Beijing noong 2014. Naniniwala siyang ito ay isang investment sa kanyang career sa hinaharap.
Si Ma. Theresa Flores
Si Mac Ramos (kaliwa), kasama si Ma. Theresa Flores (kanan) sa main studio ng CRI Filipino Service
Matapos ang dalawang taon, nabigyan siya ng oportunidad na kumuha ng Masters Degree. Bilang isang scholar, ngayon si Theresa ay nasa ikalawang taon ng kanyang pag-aaral sa China Foreign Affairs University sa Beijing. Ano ang dahilan kung bakit napili ang kursong International Relations? Matapos ang matagumpay na pagdalaw sa Pilipinas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, pinulsuhan din ni Theresa ang lagay ng Sino-Philippine relations. Pakinggan ang kanyang mga pananaw sa Mga Pinoy sa Tsina.