Marian Brina: The Filipino Teachers in China
|
Nitong Enero 2019, ipinagdiwang ng grupong The Filipino Teachers (TFT) in China ang unang anibersaryo. May 154 na miyembro ang WeChat group nito na binubuo ng mga mga academic coordinators, guro, school administrators, atbp. mula sa iba't ibang lunsod ng Tsina. Sila'y ay nagtatrabaho sa mga international schools, learning centers, kindergarten at play schools. Inilahad ni Marian Brina, founder ng TFT in China na hangad niyang itaas ang estado ng mga Pilipinong guro sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga teaching resources.
Si Marian Brina
Tinalakay nina Mac Ramos at Marian Brina ang mga usapin kaugnay sa visa ng mga gurong Pinoy, at pinulsuhan ang nilalaman ng guidelines na inilabas ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pagtatrabaho sa Tsina. Inilahad din ni Marian Brina ang mga aktibidad ng TFT para sa 2019 kabilang ang TFT Speaker series na pangungunahan ni Jensen Moreno at pinamagatang "On Fostering Creativity Excellence."
Pakinggan ang mga detalye sa programang Mga Pinoy sa Tsina.