|
||||||||
|
||
"Mas mabuti kumpara noon (ang relasyon ng Pilipinas at Tsina) at umaasa ako na mas gaganda pa dahil ang kasalukuyang administrasyon ay nakatuon ang pansin sa mga kapitbansa sa Asya. Mas kumportable ako. Tayo'y mga Asyano, mas magiging mabuti ang ating mga ugnayan," pahayag ni Stella Estremera Sun Star Davao Senior Columnist sa wikang Ingles nang kapanayamin siya ng CMG Filipino Service matapos dumalaw sa himpilan sa Beijing ngayong araw Marso 27, 2019.
Sina Ace Perez (kaliwa), Sun Star Social Media Editor, Mac Ramos (gitna), host ng Mga Pinoy sa Tsina, at Stella Estremera, Sun Star Davao Senior Columnist
Kasama ni Estremera ang Sun Star Social Media Editor na si Ace Perez bilang kinatawan ng Pilipinas sa media seminar para sa mga Asyanong mamamahayag na nagsimula nitong Marso 24, 2019 sa Beijing at magdadala rin sa kanila sa Chongqing.
Pagpapakilala hinggil sa CRI
Saad ni Ace Perez, bumubuti ang relasyong Pilipino-Sino dahil sa madalas na pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang counterpart na Tsino. Marami aniyang matututunan ang mga Pilipio sa mga mamamayang Tsino at sa pamahalaan ng Tsina.
Ang mga reporters ng Sun Star Davao, kasama ang mga miyembro ng CRI Filipino Service
Pakinggan ang iba pang insights ng dalawang media delegates kaugnay ng kanilang pagdalaw sa Tsina at mga bagay na nakakuha ng kanilang interes habang nasa Beijing sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |