Ngayong 2019, ang Pilipinas ay may 50 slots sa Chinese Scholarship Council. Hangad nitong himukin ang mas maraming mga Pinoy na mag-aral sa mga kilalang universidad sa Tsina. Noong 2016, isa sa sampung nakakuha ng Chinese Government Scholarship – A category si John Carlo Combista.
Si John Carlo Combista
Si John Carlo Combista, kasama si Mac Ramos, sa studio ng Serbisyo Filipino
Tubong Cebu at lisensyadong Pharmacist, pinili ni Carlo ang Bachelor in Clinical Medicine sa Peking University Health Science Center. Ano ang pros and cons ng pag-aaral ng medisina sa Tsina? Ano ang oportunidad na alok nito para sa mga Pilipino? Ibinahagi ni John Carlo Combista ang kanyang mga palagay sa programang Mga Pinoy sa Tsina.