12 taon nang naninirahan sa Tsina si Joe Santiago. Hindi siya OFW. Sa Shanghai, masuwerteng nakuha ni Joe ang visa na alok ng Shanghai para sa mga entrepreneurs. Taliwas sa ideya ng marami, hindi kinailangan ni Joe ang malaking pera para magsimula ng kanyang kumpanya. Ano ang puhunan? Kaalaman at kakilala.Sa interview ni Mac Ramos kay Joe Santiago, ipinakikilala nito ang sariling global sourcing and consultancy company at ang isang venture na tinatawag na Green Thumb. Layunin ng Green Thumb na tumulong sa mga magsasaka sa Pilipinas na makahanap ng pagbabagsakan ng mga produkto at paninda. Alok din nito ang investment opportunities sa mga OFW na gustong palaguin ang kanilang pera. Ang mga detalye sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Joe Santiago