|
||||||||
|
||
Hindi na bago kay Allen Dizon ang pagdalo sa mga international film festivals. Ilan sa kanyang Best Actor awards ay mula sa Harlem International Film Festival sa New York, Hanoi International Film Festival at Silk Road International Film Festival sa Dublin, Ireland.
Unang beses niyang lumahok sa Shanghai International Film Festival (SIFF). Hindi man kasali sa kompetisyon, ipinagmamalaki niya ang pagdalo dahil bida siya sa dalawang pelikulang Pilipino na sabay na ipinalabas sa 22nd SIFF.
Ang Persons of Interest ay kasama sa 22nd SIFF Spectrum Alternatives category, at lumahok sa pestibal ang Producers na sina (L) Ferdie Lapuz at Dennis Evangelista at mga artistang sina (R) Nella Marie Dizon at Allen Dizon
Ang multi-awarded actor ay bida sa Alpha, The Right to Kill, pelikula ni Brillante Mendoza at lead actor din sa obra ni Ralston Jover na Persons of Interest.
Dumalo si Allen Dizon, kasama ng kanyang anak at co-star sa pelikula na si Nella Marie Dizon at Producers na sina Dennis Evangelista at Ferdie Lapuz sa screening ng Persons of Interest sa Tianshan Cinema, Shanghai. Narito po ang one on one interview nila sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Audience interaction nina (L-R) Nella Marie Dizon, Allen Dizon at Producers na sina Ferdie Lapuz at Dennis Evangelista sa screening ng Persons of Interest sa Tianshan Cinema
Kasama ang Persons of Interest sa SIFF Spectrum Alternatives category. Ani Dennis Evangelista, Producer, ang mga pelikula sa kategoryang ito ay out of the box. Karamihan ay di-karaniwan kaya dapat abangan at hahangaan ang mga pelikulang na kasabay na ipinalalabas ng Persons of Interest. Dagdag ni Evangelista, ang SIFF ay nilu-look forward ng mga filmmakers dahil ito ay isa sa mga A-list film festivals. Ibinahagi niya ang mga pananaw hinggil sa industriya ng pelikula sa Pilipinas sa interview.
Sa ekslusibong panayam ng China Media Group Filipino Service kina (L-R) Allen Dizon, Nella Marie Dizon at Dennis Evangelista
Masayang karansan naman para kay Nella Marie Dizon ang SIFF. Pero nang tanungin kung mahirap bang makatrabaho ang premyadong ama sa isang pelikula, sagot ni Nella na nerve-wracking ito. Paliwanag niya, baka mag-expect ang mga tao na kasing galing ang ama kaya kinakabahan siya pag sumigaw na ang direktor ng action. Ang ilan pa niyang mga saloobin bilang isang baguhang artista sa makulay na mundo ng pelikula ang ikinuwento niya sa Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |