|
||||||||
|
||
Tuwing pumapasok ang tag-sibol, nagsisikap ang mga babae, kasama na ang inyong ate sissi, para mabawasan ang kanilang timbang. Pero, habang nananatiling ganun pa rin ang numero sa weighing machine, gusto kong basahin ang mga artikulo hinggil sa kung papaanong ilarawan ng mga husband ang kanilang matatabang asawa.
Sabi ng football fans: hi, honey, noong dumaan ka sa harap ng TV set, sa loob ng limang minuto, hindi ko alam kung anong nangyari sa football court ng World Cup.
Sabi ng geographer: ang leeg mo ay arctic circle at ang ankle mo ay antarctic circle, siyempre, alam mo kung saan ang Equator.
Sabi ng environment protector: honey, ngayon, mas matipid ang paggamit ng tubig habang naligo ka sa bathtub.
Sabi ng physicist: sweet heart, naging mas malaki ang inertia mo.
Kayo ay nasa China Radio International at sa programang Pop China ng Serbisyo Filipino. Ito muli si Sissi, ang inyong happy DJ.
Sabi ni marivic: basta huwag mo kalimutan dynasty band ko. alam mo na, rocker tayo...
Sabi naman ni pete: gud pm, ate sissi. kmusta ba diyan sa beijing? matagal akong di nakasulat sa inyo ni kuya rj. nadestino sa malayo. it seems, your pop china is getting stronger every day, ha?
Sabi ng aming old friend na si mulong: masayang bati sa pop china at sayo rin ate sissi! lagi akong nakatutok sa masayang programa mo tuwing sabado!
Maraming maraming salamat sa walang sawang pagkatig ninyo kay ate sissi at sa Pop China at ipinaaalam ko sa inyong lahat ang isang good news: regular na pipili ang Serbisyo Filipino ng Star Fans mula sa lahat ng kaibigang patuloy na nag-iiwan ng mensahe o nagteteks sa amin at padadalhan namin sila ng delicate souvenir items. Lumilinaw na ang kauna-unahang star fans. Kung sinu-sino sila, pagtuunan ninyo ng pansin ang aming website na Filipino.cri.cn. Ok, sobrang haba na ang ating panimula ngayong gabi. Balik-tanawin na natin ang tatlong pinakapopular na kanta noong nakaraang linggo.
Sa Ika-3, ang awiting "Magandang Gabi" na hatid ng new generation idol singer na si James Lin.
Sa ika-2, "Only U", theme song ng World Autism Day na inawit ni Jue Chow.
At ang winner is… "Sorry, suddenly, miss u much" na ibinigay ni Chris Lee.
Si Han Hong ay tinaguriang Sarah Brightman ng Tsina. So, siguro may idea na kayo kung ano ang katangian ng kanyang boses-- malalim at resonante. Oo nga, isinilang at lumaki sa Tibetan Plateau, paanan ng Himalayas, maari siyang kumanta sa pambihirang hangin ng pinakamataas na lugar ng daigdig, not to mention na mga 76kg siya at malaking malaki ang kanyang pulmonary capacity. Parang meron siyang built-in ampli. Hee hee, biro lang. Pero, dahil sa kanyang "easy to get close" na imahe, siya ang image ambassador ng maraming charity fund at public welfare activity. Siya, kasama ng kanyang masarap na boses, namumukod na kakayahan sa pagkatha at magandang behavior, ay nagpapakitang hindi lang iyong magaganda at slim na babae ang maaring maging pop singer. Naririnig ninyo ang kantang "Field" na may istilong Tibetano at kasiyahan natin ang boses na bumababa mula sa Himalayas dala ni Han Hong.
Bumaba mula sa Himalaya, punta tayo sa rivers and lakes, kung madalas na nakakapanood ninyo ang mga kongfu movie na pinoprodyus ng HongKong, dapat pamilyar kayo sa isang salita-jianghu o rivers and lakes kung isasali nang literal. Actually, ang Jianghu o rivers and lakes ay tumutukoy sa espesyal na sirkulo ng mga kongfu player, bawat araw, naglalabanan ang mga tao sa loob ng sirkulo para sa karangalan, katayuan, pera at iba pa. Naririnig ninyo ang kantang "Rivers and lakes" na inawit ni Gary Gao, super cute ang iyong kongfu player sa kanyang kanta, kumpara sa karangalan, katayuan at iba pa, mas importante ang kasiyahan.
Noong isang araw, di-sinasadyang tinalakay natin ang hinggil sa panahong natural beauty pa ang mga artista, hindi gumagamit ng plastic surgery o liposuction at walang pilat sa ilalim ng kanilang buhok at sa ibabaw ng kanilang mga braso. Tulad ni Jenny Tseng, theme singer na inirecomeend ko ngayong gabi para sa bahagi ng Gramaphone. Noong nasa primary school ay sinusundan ng mga kaklaseng lalaki pag umuuwi mula sa eskuwela at sa high school naman ay pinag-aawayan ng mga kabinataan na kinabibilangan ng mga lalaki mula sa ibang paaralan, hiniling ng paaralan ni Jenny sa kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang eskuwela. Pero, later on, pumasok sa entertainment circle si Jenny at hindi natapos ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Parang beauty has beauty's growing pains, ha? Ang naririnig ninyo ay kantang "Lupine" na ibinigay ni Jenny Tseng. Gusto kong patugtugin ito para kay Joshua. Ngayong araw ay ika-26 na kaarawan niya. Happy Birthday~
I-add ninyo ang aming Facebook account na filipinoservice@gmail.com
Pop China Ika-17 2011
Pop China Ika-16 2011
Pop China ika-15 2011
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |