Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-37 2011

(GMT+08:00) 2011-10-03 18:11:42       CRI

Ngayong araw, unang araw ng Oktubre, ay ika-62 kaarawan ng Republika ng Bayan ng Tsina. Happy Birthday, China! Actually, bukod sa selebrasyon ng anibersaryo ng Tsina, ang gusting-gusto ko sa lahat ay iyong pitong araw na bakasyon, na nangangahulugan ng maraming sight seeings at salu-salo at ng pagtutulog hangga't inaantok, panonood ng kawili-wiling pelikula hangga't gusto, pag-uukol ng malaking panahon sa pagluluto ng mga paboritong putahe at pagbabasa ng tipong nobela. In short, pag-e-enjoy ng life in relaxation. Sabi ng mobile phone user 9215799XXX: hinahanap-hanap ko tinig mo kung araw ng sabado. Your program is so addictive. More power! Sabi naman ng mobile phone user 9192513XXX: na salamat sa Pop China, natutuo akong kumanta ng Chinese songs. Enjoy ako, day! Isang kantang mula kay Charice Pempengco, "in love so deep," ang gusto kong i-dedicate sa mga kaibigang in and out of love, na bagama't walang pitong araw na bakasyon tulad ni Sissi, at least, mag-e-enjoy ng isang "deep" weekend, di ba?

Kayo'y nasa China Radio International, progremang Pop China. Ito muli si Ate Sissi-ang inyong happiest DJ. Tingnan natin ang tatlong pinakapopular na kanta para sa nagdaang linggo.

Sa ika-3,. bagong obarang "Sakit" na inihahatid ng bagong henerasyon ng dance music band-the honor.

Sa ika-2, "longing for", bagong kanta na ibinigay ng drama queen na si Ranie Yang.

Ang winner ay "‎Irregular Carding", love is irrational, love is unreasonable na ibinigay ng bandang Magic Power.

Sabi ng mobile phone user 9174013XXX: Thanks for sharing with us some Chinese words and music and for introducing new artists. I really appreciate it! Sabi naman ng mobile phone user 9174832XXX: maganda mga panulat mo, ate sissi. Hindi ako nagsasawang basahin.

Sabi nila ang tag-lagas daw ang pinakamagandang panahon ng Beijing--asul na asul na langit, suwabeng suwabeng sunshine, unti-unting nagye-yellow o nagre-red na mga dahon ng mga puno at naglalaglagang mga dahon pabalik sa fold of the earth kasunod ng unang coldwave. Sa tingin ko, ang kantang kaloob ng bandang Soda Green ay maihahalintulad sa tag-lagas. Lagi kang makakaramdam ng kapanatagan sa puso at maliwanag na mood pagkaraang marinig ang kanilang mga kanta. Ang naririnig ninyo ay ang kanilang pinakahuling obrang "quota of happiness." Labis na ina-appreciate ko ang lyrics ng kanta: ang happiness ay hindi magiging unhappy dahil sa paghahanap ng sobrang happiness. Parang tongue- twister, pero, thought-provoking.

Bago pumasok sa sirkulong musikal ng wikang Tsino, Si Andrew Tan na isang Malaysian ay popular na popular na sa kanyang lupang-tinubuan. Siya ay winner sa maraming singing contests. Ang naririnig ninyo ay ang bagong obra niyang "Karapat-dapat," a song full of encouragement. Bagay na bagay lalo na sa mga kabataang walang humpay na nagsisikap para sa pangarap. Tulad ni Andrew popular na sa Malaysiya, pero, nananatiling nagsisikap para mahanap ang kanyang sariling langit sa bagong entablado..

Sabi ng mobile phone user 9190526674: let's pretend that our world is a peaceful place to live in. wala tayong naririnig kundi himig at awit. Ngayong gabi, medyo pagod ako dahil sa kalalakad buong araw. Gusto kong patugtugin ang isang mellow song para marelaks ang puso at katawan. Ito ay isa ring cradle song. Sana sa saliw ng kantang ito, magkaroon kayo ng magandang panaginip.

I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-36 2011
Pop China Ika-35 2011
Pop China ika-34 2011

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>