Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-27 2011

(GMT+08:00) 2011-07-26 14:56:54       CRI

Habang nahihirapan ang mga tao kung papaano babawasan ang taba, tulad ko, iyong mga iba naman ay isip nang isip ng kung ano para lang tumaba—tulad ni Andrea. Lagi naming nakikita si Andrea tuwing umaga na naghahanda ng iba't ibang uri ng pagkain para sa kanyang sarili. Gumagamit siya ng kung anu-anong pinakukuluang powder na masasarap ang amoy. Naalala ko tuloy iyong mga Sumo Wrestler ng Hapon. Alam nating ang Sumo ay national treasure ng Hapon na nagugustuhan ng mga mamamahayang Hapones. Tulad din ng Mount Fuji, ito ay nagsisilbing sagisag ng Hapon. Popular na popular ang mahuhusay na sumo wrestler sa mga mamamayang Hapones, lalong lalo na sa mga kabataan. Para na rin silang sikat na Pop Stars. Pero, kung gustong maging isang mahusay na sumo wrestler, dapat magpasailalim sa mahigpit na mahigpit na pagsasanay at dahil wala silang sinusunod na timbang tulad sa taekwondo, boksing o iba pang event, mas mataba, mas malaki ang bentahe at ang pagpapataba ay isang napakaimportenteng bahagi ng kanilang pagsasanay. No one grows fat in one sitting. Ayon sa ulat, dalawang beses isang araw kumakain ang mga Sumo Wrestler, pawang hotpot na may karne ng baka, isda, bean products at gulay, pero, medyo magkakaiba ang lasa. Isang beses, puwedeng ubusin ng isang malakas na Sumo Wrestler ang pagkaing kinakain ng anim na tao. Pagkatapos nito, kumakain sila ng maraming panghimagas bago matutulog. Bukod dito, nagsasagawa din sila ng mahigpit na ehersisyo para lumaki ang katawan. Iniisip kong dapat tularan sila ni Andrea, lumapit sa hotpot, tapos, anong mangyayari? Tatawagin siyang Sumo Andrea…

Joke, joke lang…Si Andrea—at maski si Kuya Ramon—ay maaring walang DNA ng pagpapataba. Sa totoo lang, inggit na inggit ako sa kanila.

Kayo'y nasa China Radio International, progremang Pop China na inihahatid sayo ng inyong happy DJ na si S-I-SS-I, sissi. Tingnan natin ang tatlong pinakapopular na kanta para sa nakaraang linggo.

Sa ika-3, "Aking Tao", sa puso ko, ikaw ay akin from the very beginning na ibinigay nina Tu Honggang at Na Ying.

Sa ika-2, "Loko-loko" na inihahatid ng dalawang singer na may malamig na boses-sina Sherman Chung at Hung Cheuk Lap.

Ang winner ay"Pipit", isang kantang naglalarawan sa karanasan ng mga migrant worker na ibinigay ni Wang Xv.

Hindi ko natatandaan kung ganito nga ang sinabi ng isang ‎music critic: "Ang boses ng sangkatauhan ay ang pinakamahusay na music instrument sa ilalim ng langit. Sa mula't mula pa'y, hinahangaan ko na ang mga singer na may power na patahimikin ang tao. Hindi kailangan ang masalimuot na musical arrangement. Kahit isang gitara o piyano lamang, kung puno ng damdamin ang kanyang pagkanta, tiyak na maaantig niya ang kanyang music fans. Ngayong gabi, iri-recommend ko ang dalawang singers na kumakanta by heart.

Noong pumasok sa sirkulong musikal, dahil sa kanyang incredible high-pitched voice, agarang naging popular si Shin sa buong Tsina. Ang kanta niya ay ginagamit na materyal ng mga nagpapraktis para mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagkanta. Sa mga MTV box, lagi kayong makakakita ng mga kabataan na nagkakandahaba ang leeg at namumula ang pisngi kasisigaw. Opo. Talaga lang. Sumisigaw. Talaga naman pong mataas ang karamihan sa mga kanta ni Shin. Pero, sabi ni Shin, ang kanyang malakas na boses ay resulta ng kanyang dibdibang performances noong siya ay isang pub singer pa lang. Ang naririnig ninyo ay ang bagong kanta ni Shin na pinamagtang "Kandila na nagkunwang araw". Kumusta po kayo? From time to time, you pretend that you are happy?

Pagkaraang marinig ang isang kantang medyo passionate ang rhythm, umupo at magpahinga tayo. Magtimpla ng isang tasang kape na may gatas at kasiyahan ang isang peaceful song- "Kumusta ka, bukas" na ibinigay ng bandang milk&coffee. Binubuo ng leading vocalist na si Kiki at almighty music producer Gefei, ang music ng bandang ito, tulad ng kanilang pangalan, ay sariwa, puro at good to the last drop.

Ok, huwag kalimutang ibahagi ang inyong love or hard feelings kay Sissi sa Filipino. cri.cn o pagteks sa 09212572397.

Ang lalaking singer na kakasiyahan natin sa bahaging Gramophone ngayong gabi ay, mula noong katapusan ng 1970s hanggang sa kasalukuyan, nakapag-publisize ng mahigit 60 album, at nanatiling pinakapopular na folk singer sa sirkulo ng wikang Tsino sa buong daigdig. Nagdaos din siya ng concert sa Philippine International Convention Center t noong taong 2003 at 2010. Siya si Fei Yuqing, isang purong mang-aawit. Conservative. Laging nakasuot ng isang black lounge suit, seryoso sa pagkakanta at 30 taon nang nananatili sa sirkulong musikal. Walang anumang negatibong balita hinggil sa kanya. Siya ay matapat at bilang super idol, mabait sa lahat ng tao. Noong taong 2006, nag-collabarate sina Fei Yuqing at Jay Chow at ipinalabas nila ang classic hits na"Thousands of miles away" na muling nakatawag ng malaking pansin mula sa mga music fans. Ok, kasiyahan natin…~

8848 kilometro yata ang layo ng Philippines sa gawing Timog ng Beijing. totohanang "Thousands of miles away", pero, sa radio program ng Filipino Service, naniniwala akong maliit na maliit lang ang agwat sa ating mga puso, tama ba? Salamat sa inyong pagsubaybay at paglahok sa aming mga programa sa radyo at website at pagpapadala ng mga mensahe sa amin, Sana patuloy na mag-enjoy kayo ng mga ito at kung kayo ay nagpe-facebook, i-add lamang ninyo ang aming address na crifilipinoservice@gmail.com at maipararating ninyo ang anumang comment o suggestion na meron kayo hinggil sa aming mga programa.

I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-26 2011
Pop China ika-25 2011
Pop China Ika-24 2011


 

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>