|
||||||||
|
||
Nagtuwi-twitter ba kayo? Eh, facebook? Hindi ko alam kung kelan nagsimulang maging bahagi ng karaniwang pamumuhay natin ang internet. Dahil sa paglitaw nito, naging maalwan ang pagpapadala ng mga mensahe at pagpapalaganap ng mga impormasyon. Lumitaw din ang isa pang bagong paraan ng pagpo-fall-in-love-- ang Facebook love. Ngayong gabi, pakinggan muna natin ang love story na naganap sa Facebook na ibinigay ng Hambog.
Bilang pagdiriwang ng Pasko at 70th birthday ng CRI, mainit na tumatakbo ang Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Boto Para Sa Best Singer Na Pinoy". Textmates, puwede kayong pumili ng best male singer, best female singer at best band sa pamamagitan ng pagpapadala ng maikling mensahe sa 09212572397. Para sa mga internet users, puwede rin kayong bumisita sa aming website: filipino.cri.cn, at i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer na pinoy sa inyong puso. Guess natin kung sino ang aakyat sa final stage sa bisperas ng Pasko at tatanghaling pinakapopular na Pinoy singer para sa taong 2011.
Eight years of being friends and one year of intimate relationship, noong isang buwan, iyong mga bali-balita na may kinalaman kina Piolo Pascual and KC Concepcion ay naging headline ng lahat ng entertainment website.
Si Piolo ang unang artistang Pilipino na nagustuhan at patuloy na nagugustuhan ni Sissi at siyang pinakapaboritong pinoy star hanggang ngayon. Kaya, noong October 21, 2010, nang aminin ni Piolo ang kanilang relasyon ni KC Concepcion, tuwang tuwa ako para sa kanya, lalung-lalo na nang marinig ko ang ulat na nagsasabing nakapagdesisyon daw si Piolo na/ panahon na para aminin ang kanilang relasyon/ dahil bilang lalaki, siya ang dapat magsalita at para matigil na rin ang mga haka-haka ng ibang tao. Ayon pa sa aktor, napakabait daw ng pamilya at mga kamag-anak ni KC sa kanya at malaki ang kanyang pasasalamat sa aktres dahil napaka-pasensiyosa raw nito sa kanya at nararamdaman daw niya sa girlfriend ang sobrang pagmamahal. Noong mga sandaling iyon, lalong tumindi ang paghanga ko kay Piolo, He is a real gentleman. Very considerate siya and has a heart that truly cares.
Sa kanilang first Valentine's Day, Sinorpresa ni Piolo si KC nang dalhin niya ang girlfriend sa Subic Bay Yacht Club kung saan nagkaroon sila ng sunset yacht ride. Sa kanyang Valentine message naman sa girlfriend, sobrang thankful si Piolo sa pagdating sa buhay niya ni KC. Sinabi rin niya na umaasa siyang magtatagal ang kanilang relasyon at magkaroon sila ng maraming Valentine dates together in the future. Magpapatuloy ang istorya nina PJ at KC. Samantala, kasiyahan natin ang kantang "Closer U AND I" ni Piolo.
Hanggang noong Agosto, isiniwalat din ni Piolo Pascual na ipagdiriwang nila ni KC Concepcion ang kanilang first year anniversary as a couple sa darating na Nobyembre. Sabi ni Piolo, kahit na raw he is cooking up special plans for the day, he will not divulge it to the public until after their anniversary. Pero, dumating ang Nobyembre at hindi nahintay ng mga music fan ang kanilang romantic story tungkol sa first year anniversary. Nakita naming umiiyak na inamin ni KC na hiwalay na sila ni Piolo.
Somebody says, dinaya si KC. Ginamit siya ni Piolo para pagtakpan ng huli ang kanyang tunay na sexuality. Sabi naman ng ilang tao, dahil sa masalimuot na relationship ni KC kasama ang hunky actor na si Sam Milby at international Fil-American rapper na si Apl.de.Ap., nag-break-up silang dalawa. Pero, sa isang interview, nang tanungin siya what the best thing was about that relationship, ang isinagot ni KC: "The best thing is that natuto ako… parang naging mas mature talaga ako/ sa relationship na ito. First relationship ko din na talagang seryoso ako to the point na talagang may mga bagay na hindi man komportable ay nagagawa mong tanggapin dahil mahal mo nga siya.
Isang kantang "It's been a while" na ibinigay ni KC. Naniniwala akong patuloy na hinahangad ng lahat music fans na mahanap nila ang true love sa buhay. Sina Piolo Pascual at KC Concepcion, nominees para sa best male singer at female singer ngayong gabi.
Noong ika-14 ng Pebrero, 1997, itinatag ng ilang estudyante mula sa UP Diliman ang bandang Slapshock. Naimpluwensiyahan nang malaki ng American East Coast rap, sinimulan ng grupong tumugtog ng rock and roll sa mga club sa Manila noong 1990's. Sa simula, ang vocalist ay si Reynold Munsayac, pero hinalinhan siya ni Jamir Garcia, guitarist Jerry Basco's cousin, at si Reynold ngayon, ay isa nang matagumapay na abogado at isang guro na nagtuturo ng criminal law at election law sa San Sebastian College.
From the very beginning, medyo heavy at metal ang mga musika ng Slapshock at ito rin ang naging katangian nila kaya't napanatilili nila ang commercial success sa entertainment industry ng Philippines. In particular, dahil sa kanilang third album, Project 11-41, sila ang nominadong Band of the Year at the NU107 Rock Awards noong 2001 at 2002. Noong 2003, muli silang na-nominate bilang Best Artist ng MTV Asia. Ngayon, gumagawa ang Slapshock ng kanilang ika-6 na album na pinamagtang "Cariño Brutal" Ang naririnig ninyo ay ang kanilang first single "Can't stop us now".
Soooooo,malinaw ang lahat ng 15 nomiees para sa Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Boto Para Sa Best Singer Na Pinoy": sina Regine V, Yeng Constantino, Juris F, Sarah Geronimo at KC Concepcion para sa best female singer, sina Billy Crowford, Rico Blanco, Christian Bautista, Gloc-9 at Piolo Pascual para sa best male singer at ang bandang Six cycle mind, Callalily, Sandwich, Parokya ni Edgar at Slapshock para sa best band, sinong singer at aling banda ang gusto niyo? Ipadala ang inyong choices sa 09212572397 o bumisita sa Filipino.cri.cn, i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer/best band na pinoy sa inyong puso.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-46 2011
Pop China Ika-45 2011
Pop China ika-44 2011
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |