Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-46 2011

(GMT+08:00) 2011-12-06 17:18:39       CRI

 

Boto Para Sa Best Singer Pinoy

70 taon na ang nakararaan, noong ika-3 ng Disyembre ng 1941, marahil araw na umuulan ng niyebe, lumabas sa cave dwelling ng Yan'an ang unang call letters ng pagsasahimpapawid sa wikang Hapones ng Yan'an Xinhua Broadcasting Station na nagpasimula ng kabanatang historikal ng usapin ng pagsasahimpapawid ng sambayanang Tsino sa ibayong dagat; sa gayon, sumilang ang China Radio International (CRI). Talaga lang, ngayong araw ay ika-70 kaarawan ng CRI! Para sa akin, dapat lang magpasalamat. Salamat sa platapormang ito, nagkaroon ako ng pagkakataong maging DJ at ibahagi ang aking love, joy and sorrow diyan sa inyo sa Philippines. Salamat din sa pagkakataong makaugnayan kayo, marami akong naging kaibigang Pilipino. Salamat po at maligayang bati, CRI.

Bilang pagdiriwang sa pasko at 70th birthday ng CRI, mainit na tumatakbo ang Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Boto Para Sa Best Singer Na Pinoy". Textmates, puwede kayong pumili ng best male singer, best female singer at best band sa pamamagitan ng pagpapadala ng maikling mensahe sa 09212572397. Para sa mga internet users, puwede rin kayong bumisita sa aming website: filipino.cri.cn, at i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer na pinoy sa inyong puso. Guess natin kung sino ang aakyat sa final stage sa bisperas ng Pasko at tatanghaling pinakapopular na Pinoy singer para sa taong 2011.

Siya ang first and only artist na tumanggap ng tatlong awards sa loob ng isang taon — the Recording Queen award, the Concert Queen award, and the Box Office Queen award — sa GMMSF Box Office Entertainment Awards sa 2009. Siya ang first Filipino artist na tumanggap ng platinum award para sa isang DVD copy ng kanyang concert sa taong 2005. Hindi pa nangyari sa Philippine Music Industry nitong 7 taong nakalipas, siya ang kinilala ng Philippine Association Of The Record Industry bilang best-selling artist of the decade para sa taong 2001-2010. Siya ang 23 taong gulang pa lamang na si Sarah Geronimo.

Bilang isa sa mga pinakapopular na Filipino recording artist, actress and dancer, super idol ng mga kabataang Pilpino, ganito ang description kay Sarah ng Philippine star: " She's wholesome on and off camera, untainted by unsavory rumors. She's an ideal daughter and that makes her a good role model for the youth. She is a breath of fresh air in terms of wholesome image, humility, real talent and source of good news for the Philippine entertainment industry". Nominee para sa best female singer ngayong gabi- Sarah Geronimo. Kasiyahan natin ang isa sa kanyang hottest hits—"Sino nga ba siya."

Dahil sa mahigpit na pakikipag-ugayan sa Estados Unidos kung saan nag-ugat ang Hip Hop, noong 1980s, sumigla ang hip-hop music sa Pilipinas. At sapul nang magkaroon ang Philippines ng sariling Hip-Hop Music Awards mula noong taong 2004, apat na taong singkad (mula taong 2005 hanggang taong 2008), si Aristotle Pollisco o better known by his stage name Gloc-9, held the title for Best Rap Artist.

Si Gloc 9 ay tinaguriang fastest rapper sa Philippines. Ang kanyang fast-flowing vocal style has made him one of the most successful hip-hop artists in the Philippines. ang kanyang mga obra, pangunahin na, nagpapakita ng social issues na tulad ng social injustices, poverty and patriotism. He was described by fellow Filipino rapper Francis Magalona as "a blacksmith of words and letters, and a true Filipino poet." Si Gloc 9, mominee para sa best male singer ngayong gabi, ang naririnig ninyo ang kanyang single: ako si Gloc-9.

Sapul noong taong 1993, noong unang umakyat sa stage ng rock and roll ng Pilipinas ang bandang Parokya ni Edgar, they have been consistently picked as an OPM that young people listen to, at patuloy na sinusubok nila ang iba't ibang istilong musikal, alternative rock, pop rock, funk at rap core. Kamakailan, mayroon silang bagong target, si Gloc-9, fastest rapper sa Philippines, mahigit 35 taong gulang, naghamon kina Chito Miranda and Vinci Montaner, mga lead vocalist ng Parokya ni Edgar, na ipakita ang kanilang bilis sa rap at ibinigay nga nila ang isang matunog na pangalan sa kanilang bagong gawa-One Hit Combo (feat. Gloc 9).

Sa palagay niyo, sino ang panalo? Sino ang fastest rapper sa Philippines? Parokya ni Edgar? Hehe, biro lang. Actually, privately, napakaganda ng relationship ng Parokya ni Edgar at ni Gloc-9. Madalas na nagko-collaborate sila sa pagkanta. Pero, nakita rin natin ang makulay na talento ng Parokya ni Edgar, baka that's why, nananatiling No.1 band sila sa sirkulong musikal ng Philippines.

Ok, Kasama ng tatlong nominees na inirecomend namin ngayong gabi, mayroon tayo 12 nomiees: sina Regine V, Yeng Constantino, Juris F at Sarah Geronimo para sa best female singer, sina Billy Crowford, Rico Blanco, Christian Bautista at Gloc-9 para sa best male singer at ang bandang Six cycle mind, Callalily, Sandwich at Parokya ni Edgar para sa best band, sinong singer at aling banda ang gusto niyo? Ipadala ang inyong choices sa 09212572397 o bumisita sa Filipino.cri.cn, i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer/best band na pinoy sa inyong puso.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-45 2011
Pop China ika-44 2011
Pop China Ika-43 2011

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>