Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-40 2012

(GMT+08:00) 2012-10-08 22:57:27       CRI

Nasa huling dako na ang 8 araw na bakasyon at nagsisimulang bumalik sa tahanan ang mga tao mula sa mga lugar na panturista. Sa tingin ko, kahit gaano katagal ang bakasyon, hindi rin ito sapat para makatugon sa mga plano na gaya ng paglalakbay, pagpapahinga, pagpiling sa pamiliya at paglalaro ng games.

Hindi lamang sa Tsina, kundi sa mga bansa sa buong daigdig, ang pambansang araw ay isang mahalagang pestibal. Sa pesitbal na ito, idinaraos sa mga lugar ng Tsina ang mga aktibidad bilang pagdiriwang, na gaya ng mga pagtatanghal, palabas, at pagpapaganda ng kapaligiran sa mga lunsod.

Kapag Pambansang Araw sa Tsina, ang Beijing, partikular na ang Tian'anmen Square ay pinakapopular na lugar panturista para sa mga mamamayang Tsino, dahil dito sa lugar na ito ipinatalastas ni Chairman Mao Zedong ang pagkakatatag ng People's Republic of China. Bukod dito, naitayo rin sa paligid ng Tian'anmen Square ang mga kilalang gusali na nakakaakit ng mga turista, gaya ng National Museum, Peoples' Giant Hall, walang duda, ang pinakakilala sa mga ito ay ang Forbidden City. Malapit sa Tian'anmen Square, mayroong ding mga kilalang lugar, na gaya ng Houhai, Qianmen, at Wangfujing. Sa katotohanan, ang Zhongnanhai, parang malacanang sa Pilipinas, ay sa tabi naman ng Forbidden City. Pero hindi ito binuksan sa publiko.

Ok ang unang awiting ngayong gabi ay hinggil sa Beijing na pinamagatang Beijing, Beijing, mula kay Wang Feng, kilalang mang-aawit na Tsino.

Sabi ni Meldy: kuya ernest, paringgan mo naman ako ng kanta ng the flower band. kilala ba grupo na iyan sa china?

Kilala minsan ang bandang ito sa Tsina, pero nalansag na ito. Noong una ng pagtatatag ng bandang ito, bata pa sila na ang karaniwang edad ay 17 taong gulang. Popular ang mga kanta nila para sa mga batang Tsino dahil sa kanilang powerful music at masiglang imahe. Kaya ang susunod na awitin ay isa sa mga kilalang awitin ng Flower Band na pinamagatang poor but happy.

Sabi naman ni Josie: bigyan mo naman kami ng sampol ng mga kanta ni xu wei. hindi ba rocker siya?

Si Xu Wei po ay itinuturing na isa sa mga kauna-unahang pangkat na rocker sa Tsina sapul nang isagawa ang pagbubukas ng Tsina sa labas. Hindi lamang siya mahusay kumanta; magaling din siyang sumulat ng mga liriko. Sa katotohanan, ang awiting Persistent ay isa sa kanyang mga katha na popular sa buong Tsina. Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging mang-aawit, siya ay isa ring kilalang producer na tumutuklas ng maraming mahuhusay na mang-aawit na Tsino. Kaya ang susunod na awitin ay ang Blue Bird, isa sa kanyang mga representatibong awitin.

Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~

Pop China Ika-39

Pop China Ika-38

Pop China Ika-37

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>