|
||||||||
|
||
Ayos ba ang Halloween ninyo? May nangyari bang mga kawili-wiling bagay? Mayroon ba kayong happenings sa sementeryo o lumang castles kasama ang mga Jack o Lantern, Zombies at Vampires? Cool talaga kung mayroon…
Ang unang awitin ngayong gabi ay pinamagatang William Castle, mula kay Jay Chou, kilalang mang-aawit mula sa Taiwan, China. Ang awiting ito ay naglalarawan ng pamumuhay ng isang vampire na nakatira sa William Castle at kanyang pagmamahal sa isang witch.
Tunghayan natin muna ang mga mensahe mula sa takapakinig.
Sabi ni Ara mae: pistang-patay bukas, kuya ernest. wala ka bang planong magpunta sa sementeryo para magsindi ng kandila? maraming tao, ano?
Sa Tsina, may isang pambansnag pestibal na katulad ng Halloween at ito ay tinatawag na tomb sweeping day. Tuwing sasapit ang araw na ito, pumupunta ang lahat ng mga Tsino na kinabibilangan ko sa sementeryo bilang paggunita sa kanilang mga ninuo at yumaong kamag-anak. Bukod sa araw na ito, may ilang katutubong pista ang mga probinsya sa Tsina bilang paggunita sa mga ninuno na gaya ng ika-15 ng Hulyo sa lunar calendar. Dahil ang paggunita sa mga ninuno at mga yumaong kamag-anak ay isang napakaimportanteng bagay para sa mga mamamayang Tsino, punong puno ng mga tao ang mga sementeryo kapag tomb sweeping day.
Sabi naman ni Brenda: ano ba costume natin ngayong halloween, kuya ernest? mukhang pasadya isusuot mo, ha? bongga talaga, ha?
Ano ang pinakabongga costume sa Pilipinas? Dahil ang CRI ay malapit sa Babaoshan, pinakamalaking sementeryo sa Beijing, ang malaking putting damit o kasuotang parang zombie ang pinakauso, lalo na sa gabi ng Halloween.
Sabi naman ng San andres boy: happy halloween, kuya ernest. ingat ka, naglipana ang mga zombies...
Salamat po, magtatanim ako ng maraming halaman sa harap ng bahay, pangkontra sa mga zombies, hahaha. Parang plants vs zombies.
Kung may pagkakataon, gusto ba ninyong mag-hapunan kasama ng magarang witch o maginoong vampire? ok ang susunod na awitin ay pinamagatang Pagbisita sa Vampire, mula kay May Day, kilalang band na mula sa Taiwan China.
Pinag-uusapan natin ang hinggil sa vampire at zombie, parang nakakakilabot tuloy ang atmospera natin. Sa tingin ko, ang mga masaya o exciting na awitin ay angkop naman sa paksang Halloween.
Sa kasalukuyan, ang awiting Gangnam Style ay sikat na sikat sa buong Tsina at mayroon ding mga awiting Tsino na gumaya sa style ng awiting ito. Sa Tsina, ang ganoon ka-popular pero simpleng awitin ay tinatawag na Shenqu, na nangangahulugang Diyos lang ang nakakaalam kung bakit nahihilig sa awiting ito ang mga tao. Kaya, ang huling awitin ngayong gabi ay isang sikat na sikat na awitin o Shenqu sa Tsina. Ito ay pinamagatang Pagbili ng Pagmamahal, mula kay Murong Xiaoxiao, babaeng mang-aawit na Tsino.
Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.
Good night~
Pop China Ika-43
Pop China Ika-42 Pop China Ika-41© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |