|
||||||||
|
||
Sabi daw ang mga Tsino ay isang Nasyong mahilig sa paglalakbay. Pero kung pupunta kayo sa mga lugar-panturista ng Tsina sa panahon ng bakasyon, siguro ang pinakamalalimang impresyon ninyo ay ang tagpo ng punong puno na mga tao sa halip ng mga magagandang tanawin lamang.
Sa katotohanan, ito ang may kinalaman sa kakaunting bilang ng mga piyesta opisyal dito sa Tsina. Bukod dito, ang paid vacation leave ay hindi masyadong iniimplimenta ng mga pribadong kompanya. Kaya sa mga mahabang bakasyon, halos lahat ng mga mamamayang Tsino ay nagsisiksikan sa lahat ng uri ng transportasyon upang umuwi sa kanilang mga probinsya o maglakbay sa mga lugar sa loob at labas na bansa.
Ok ang unang awiting ngayong gabi ay ang The Rain has been taking, mula kay Angela Chang, babaeng mang-aawit na galing sa Taiwan, China.
Tulad ng nilalaman ng awiting ito, walang anumang bagay ay sagabal sa paghahanap ng mga tao sa kanilang pangarap. Para sa mga Tsino, kahit alam nila na ang daming tao sa mga lugar-panturista sa panahon ng mahabang bakasyon, pupunta pa rin sila doon.
Sa katotohanan, ang Nayong Tsino naman ay isang lahi na gustuhan ang mainit na atmospera. Kaya, kapag mga tradisyonal na pestibal dito sa Tsina, nakakakita kayo na punong puno ang mga Tsino sa kalye at mga lugar pampubliko, at may maraming aktibidad bilang pagdiriwang sa pesibal. Sa tradisyonal na ideya, ang mainit na atmospera sa pestibal ay nagpapahiwatig ng suwerte at pagpawi ng mga masamang bagay.
Sa katatapos na 8 araw na bakasyon sa Tsina bilang pagdiriwang sa Mid-autumn Day at National Day, lahat ng 119 na pangunahing lugar panturista ng Tsina ay tumanggap ng 34.25 milyong turista. Ito ay mas mataas ng 21% kumpara sa estadistika ng parehong panahon ng tinalikdang taon.
Kung mag-tour kayo sa mga lugar-panturista, pero punong puno ang mga tao sa paligid ninyo, hindi maganda talaga ang damdamin po ninyo. Kung pupunta kayo sa mga night club, pub at lugar ng carnival, siguro mas maganda ang atmospera kung mas marami ang mga tao doon. Ok ang susunod na awiting ngayong gabi ay ang High Song, mula kina Zhang Wei at Huang Ling, dalawang mang-aawit na Tsino.
Kahit gusto kong mahabang bakasyon na walang hanggahan, ito ang pangarap lamang at pagkatapos ng bakasyon, dapat bumalik tayo sa opisina. Pero, ang pinakamahalagang bagay ay lubos ma-enjoy tayo sa panahon ng bakasyon, di ba? Tulad ng fire work ng Tsina, kahit nananatiling maiksi ang panahon ng pagsisindi, maganda talaga ang tanawing ito. Ok ang huling awiting ngayong gabi ay ang Petard, mula kay Wang Feng, mang-aawit na Tsino.
Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-40
Pop China Ika-39 Pop China Ika-38© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |