|
||||||||
|
||
Taglamig na dito sa Tsina, at saka maginaw na talaga ngayon sa Beijing. Ayon sa tradisyonal na kaugalian sa Tsina, kapag araw ng pagdating ng taglamig sa lunar calendar, laging nagdiriwang ang mga pamilya sa araw na ito. Halimbawa, ang mga tao sa dakong hilaga, ay dapat kumain ng dumplings, sa dakong timog naman, kaugalian na ang pagkain ng karne, tulad ng isda, manok at bibi.
May kasabihan sa parting norte ng Tsina, na ang hindi pagkain ng dumpling sa araw na ito, ay titigas at malalaglag ang mga tainga sa taglamig. Pero walang pang sinumang nawawalan ng tainga dahil sa hindi pagkain ng dumpling sa araw na ito.
Bukod sa mga dumplings, maraming masasarap na pagkain na dapat tikman sa taglamig sa hilagang bahagi ng Tsina, na gaya ng hot pot, sopas na may lamb at Stewed Chick with Mushroom. Kaya kung may pagkakataon po kayo, mag-tour sa Beijing at ibang mga lugar sa dakong hilaga ng Tsina para maranasan ang kakaibang pagkain, klima at tanawin.
Ang unang awiting ngayong gabi ay pinamagatang Love and Snow. Ang awitin ay theme song ng isang kilalang kungfu drama noong 1991 na naglalarawan ng romantikong kuwento ng magkasintahan, pero sila ay galing sa dalawang pamilya na nag-aaway. Para sa lalaki, minamahal niya ng tunay ang babae, pero gusto niyang maging kungfu master at dapat gumanti sa pamilya ng babae na kaaway ng kanyang pamilya. Sayang talaga.
Kapag taglamig, madami talaga ang niyebe, lalo na sa dakong Hilaga ng Tsina. Tulad ng pangalan ng awitin kanina, ang snow ay palagiang may kinalaman sa mga romantikong kuwento, musika, pelikula, at TV drama. Halimbawa noong taong 2002, ang Korean TV drama na Winter Sonata ay sikat na sikat sa buong Tsina at mula noon, dumarami nang dumaraming mga Korean TV drama ay napanood sa Tsina.
Sa kabilang dako, ang taglamig naman ay palagiang ginagamit bilang paglalarawan ng mga malungkot na bagay, halimbawa nawawalang mga kamag-anak, at kaibigan, naganap na mga kalamidad, at nabigo na sa pagmamahal at ibang mga gawain. Ang susunod na awitin ay may ganitong istilo na naglalarawan ng pagkahiwalay ng magkasintahan. Ito ay pinamagatang Became Strangers, mula kay Cyndi Wang, mang-aawit na mula sa Taiwan, China.
Sabi ng awiting ito na "mahina ang relasyon sa pagitan ng magkasintahan at wala akong kapangyarihan na baguhin ang pagpili mo. Ano ang mga bagay na iniwan ng pagmamahal sa akin? Ang kalungkutan at dalamhati sa aking kalooban. Oras lamang ang maaring lumunas sa aking sakit."
Noong unang panahon, ang Tsina ay isang bansang agrikultural. Dahil sa epekto ng klima sa taglamig, ang araw ng pagdating ng taglamig noong araw ay palatandaan ng pagsisimula ng panahon ng pagpahinga ng mga magsasaka hanggang sa bagong tagsibol.
Kahit sa mga kanayunan ng Tsina ngayon, walang ganitong mahabang panahon para sa pagpahinga, maganda naman ang pamumuhay para sa mga tao na tumigil sa bahay sa taglamig para makinig sa musika, manood ng pelikula, kumain ng masasarap na pagkain at makapiling ang buong pamiliya. Kaya ang huling awting ngayong gabi ay pinamagatang Winter, mula kay Leo Ku, mang-aawit galing sa Hong Kong, China.
Ang awiting ito ay naglalarawan ng damdamin o niloloob ng isang lalaki na naghihintay sa kanyang kasintahan mula sa taglamig hanggang sa taginit.
Ok, diyan nagtatapos ang ating programa ngayong gabi. Ngayong malamig ang panahon… mag-ingat baka sipunin Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, Gandang gabi pips
Pop China Ika-45
Pop China Ika-44 Pop China Ika-43© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |