Pagpasok ng 2010s, parang biglang lumitaw ang isang fault age sa sirkulong musikal ng Hong Kong at Taiwan na nananatiling pinamumunuan ang kabuuang sirkulo ng entertainment ng buong Asya. Unti-unting dumalang ang pagsu-shoot ni Jacky Chan ng pelikula, buong lakas na nagsisikap si Jet Lee para sa mga charity work, bihira nang mag-publisize ng album si Jolin Tsai at Jay Chow, dumami ang paghihiwahiwalay ng mga banda at pag-iisplitan. Samantala, sa tulong ng puwersa ng Internet, lumapit sa ating mga earphone ang dumaraming grass root stars ng mainland Tsina. Sa programa ngayong gabi, kung mapapakinggan ang exciting music na kaloob nila, kanilang kasalukuyang tagumpay.
Ang unang personality na pumasok sa ating programa ngayong gabi ay si Song Dongye. Noong isang taon, kapag lumalahok sa isang singing contest, ang pinipiling kantahin ng isang participant ay ang kantang "Miss Dong" na noong unang kinanta at kinatha ni Yongye S at nasimulang makilala ng mga music fans ang nasabing medyo payat at medyo mahiyaing lalaki. Parang isang gabi, sumikat si Song, natamo ang recognisyon mula sa iba't ibang music award, naanyayahang sumulat ng kanta para sa world famous na super stars at nagbukas ng sariling music studio. Pero, sa pinakamarahip na panahon, kung pagsasadyain si Song ng isang panauhin, ang pinakamasarap na pagkaing maiaalok niya ay 50 cents na mantou at salted vegetables lamang.
Bago nakatawag ng malakawang pansin dahil sa kanyang kanta sa Internet, nakaranas ng hapdi ng pag-i-split ng relationship at pagkabigo sa business si Liang Xiaosong. Nagbabay ang kanyang girlfriend of 7 years at dahil walang anumang makitang magandang pag-asa, sa pinakamahirap niyang panahong iyon, nagbukas siya ng isang snack food bar kasama ang ilang kaibigan. Noong una, tuwang tuwa sila dahil ok na ok ang kita; pero, mula ika-2 buwan, nagsimulang lumiit ang kita at kalaunan napilitan silang magsara pagkaraan ng apat na buwang deficit.
Para sa bandang "Perdel", mayroong isang kawili-wili pero medyo malungkto na pangyayari. Ang leading vocalist at leader ng Perdel na si Mao Chuan ay may alagang pusa. Noong mayaman pa siya, mahilig maglaro ng pera ang alaga niya. Pero, pagkaraang ilaan niya ang lahat sa paggawa ng musika, naghirap siya. Isang araw, nang makaramdam siya ng gutom, bigla niyang naisip na iurong ang sopa at kama at nakakita siya ng 8 yuan rmb. Labis na ikinasisiya niya ang petsang ito.
Napakaoptimisko ng mga kanta ng bandang Life Journey at full of vitality. Pero, noong unang dumating sila ng Beijing at minarka sa isang napakaliit na bahay at makaranas ng hindi magandang living condition puwedeng pagmasdan ang bricks sa pader, nagluluto silang mismo o kumakain ng murang-murang snack food at sa gabi, kailangang matulog sa likod ng sofa at kitchen.
Kumpara sa ibang tao, medyo masuwerte si Li Minghao. Noong unang subukin niyang ipadala ang kanyang music sa music company, natamo kaagad niya ang break at ang kanyang katha ay naging pangunahing kanta ng isang kilalang singer. Pero, mahigit walong taon nang nasa sirkulo ng music at nananatili pa ring isang producer o composer, no fame at hindi maganda ang kita, umaasa ang kanyang kapamilya na maghahanap siya ng isang medyo matatag na trabaho, at nagbanta pang itapon ang kanyang paboritong gitara. Hanggang sa ma-publisize ang kanyang sariling album at sa recommendation ng mga super star na iginawa niya minsan ng mga kanta, naging propesyonal na singer si Lee.
Kung mataimtim na aanalisahin natin ang mga dahilan kung bakit sumisikat ang nasabing mga singer o banda, ang isang napakaimportanteng dahilan ay lakas ng internet. Isang klik lamang at maaring kumalat sa buong daigdig ang iyong obra. At kasunod ng mga pagdaraos ng iba't ibang TV program ng talent shows, nagkaloob ito ng maraming pagkakataon para sa mga grass root singer na makatanggap ng pagsusuri ng regulasyong pampamilihan.