|
||||||||
|
||
Kung tatanungin kung sino ang kasalukuyang pinakapopular na idol sa Tsina, malalaman ninyo ang tanong na ito sa dalawang kalalabas na Guinness World Record. Noong ika-21 ng Setyembre ng taong 2014, sa bisperas ng kanyang ika 15 kaarawan, ipinalabas ni Karry Wang, lider ng boy group na Tsino na TFBoys, ang isang mensahe sa kanyang social media page at hanggang alas-12 ng umaga, ika-19 ng Hunyo ng taong 2015, umabot sa mahigit 42 milyon ang bilang ng mga repost ng mensaheng ito na naging mesaheng may pinakamaraming repost.
Bago si Karry Wang, natamo na ang pagkilala ng Guinness sa isa pang idol Tsino. Iyan ay si Lu Han. Pagkaraang iwan niya ang kanyang karera sa Timog Korea bilang miyembro ng popular na popular na boy group na EXO at bumalik sa bansa, natanggap niya ang mainit at malawakang suporta mula sa mga fans na Tsino. Noong Chinese Valentines' Day, sinimulan ng kanyang fans ang isang aktibidad ng pagsulat ng isang love letter sa kanya sa pamamagitan ng pag-iwan ng 131.4 milyong comment sa kanyang social media account at lumikha ito ng isang bagong record ngGuinness.
Bilang pinakasikat at pinakadevoted na Chinese Movie Star, mula noong 22 taong gulang, pumasok sa sirkulo ng entertainment, iginigiit ni Jackie Chan na siya ang gumagawa ng lahat ng mapanganib na action stunts at hindi niya ginagamit ang anumang computer effects. Siya ang may hawak ng record bilang Most Stunts by a Living Actor at sa kanyang ika-101 na movie: 12 Chinese Zodiac, ginampanan ni Jackie Chan ng 15 tungkulin bilang director, producer, leading actor, Martial arts choreographer, singer at iba pa at naging tao na may Most Credits in One Movie.
Sa mula't mula pa'y, nananatiling masipag Si JJ Lin, Singer, composer at music producer na galing sa Singapore. Bukod sa kanyang namumukod na talento sa pagkanta at pagkatha ng mga musika, particular na, may istilong Tsino, mayroon isa pang nickname siya ngayon-Mr Sonic. Noong ika-22 ng Hulyo, taong 2007, sa isang fan meeting na idinaos sa Tianjin ng Tsina, nilagdaan at naibenta ni JJ ang 3052 kopya ng CD sa loob ng 2 oras 29 minuto at lumikha ng ang isang bagong record sa Guinness.
Noong Hulyo ng taong 2012, sa iba't ibang kanto ng daigdig, halos lahat ng tao ay napakinggan ang isang kantan -Gangnam Style na kaloob ng Korean Pop Singer na si-Psy. At sa loob ng 3 buwan lamang, umabot sa mahigit 4.9 milyon ang bilang ng views ng music video nito sa Youtube na naging pinakapopular na music video sapul nang itatag ang Youtube. Napag-alamang, nang tanggapin ang certificate, napaka-excited ni Psy, sinabi niyang ito ang kauna-unahang certificate na nakuha niya, even sa school, wala siyang natanggap.
Bukod ng mga singer na Asyano, sa bansang Amerika at Europeo, ang pangalan ng maraming artista ay inilakip na rin sa Guinness World Record, Halimbawa, dahil sa kanyang exaggerated na kasuotan at performance sa 2013 Billboard Music Awards, si Miley Cyrus, ang naging pangalang pinakamadaming beses na hinanap sa Internet. At si Shakira naman, siya ang unang singer na natamo ang 100 milyong likes sa Facebook. At si Katy Perry, mayroon siya ng pinakamaraming followers sa Facebook na umabot sa 52.4 milyon.
:) end
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |