|
||||||||
|
||
Hindi ko alam na napansin pa la ninyo na mula noong isang linggo, idinagdag ko ang isang bagong espesyal na bahagi sa aking programa, iyan ang mga bagong star na tiyak na magiging popular na popular sa huling bahagi ng taong 2015. At noong nakaraang episode, isinalaysay ko si Ook Sung-Jae na nakatawag ng malawakang pansin sa katatapos na KBS TV drama series na School 2015: Who Are U. Bagama't tapos na ang buong drama, hindi ko alam kung gaano karami sa inyo, na tulad ni Sissi, na kapag naririnig ang soundtrack na inawit ni Ook Sung-Jae, paulit-ulit na sumasagi sa isip at inirereview ang mga classic plot sa drama.
Bukod kay Ook Sung-Jae, ngayong gabi, gusto kong irecomend ang isang pang singer na tiyak na kukutitap o magniningning sa iba't ibang awarding ceremony sa taong 2016. So, let's guess, kung sino ba siya?
Narito ang ilang clue: Noong taong 2011, sinimulang i-upload niya ang video clip ng pagkanta niya sa Youtube at natamo ang mahigit 3 milyong views at 400 libong subscription. At dahil sa pagkanta ng kasalukuyang naririnig ninyo na "Someone Like You", natamo niya ang pagsuporta ng isang kilalang VJ at sa recommendation ng VJ na ito, matagumpay na lumagda siya ng contract sa music company at ipinalabas ang kanyang kauna-unahang single noong katapusan ng taong 2011.
Alam niyo na ba kung sino siya -- oo o hindi? Ok, heto ang mas marami pang clue: Noong Disyembre ng taong 1991, isinilang ang isang baby boy sa New Jersey ng Estados Unidos. Dahil sa nagmana sa kanyang nanay, na isang piano teacher, noong 4 na taong gulang pa lamang ay nagsimula na siyang tumugtog ng piano, at noong 10 taong gulang, natanggap niya ang sistematikong pagtuturo ng jazz music. Guwapo na mukha, kasama ng namumukod na talento sa musika, nakatawag ng malaking pansin siya noong bata pa.
Hanggang dito, narinig kong sinabi ng ilang tao na ito ay parang si si Justin Bieber, Oo, isinilang sa isang pamilyang musikal, bagong pumasok sa sirkulong musikal, natanggap ang mainit na pagtanggap sa YouYube, at sa bandang huli, iginagalugad ng big names, totoong pare-pareho ang ating mystery singer kay Justin Biber. Pero, si Justin Bieber ay nadiskubre ni Usher at ang singer na tinutukoy ko sa gabing ito ay inirecommend ni Ellen DeGeneres. Ok, heto na ang sagot, Yes, siya ay walang iba kundi si Charlie Puth.
Isinalaysay ko minsan, pagkaraang mamatay ni Paul Walker , ninais ng producing company na kathain ang isang kanta bilang paggunita sa kanya, pinagtipon-tipon nila ang mahigit 50 music producers na kinabibilangan ni Charlie Puth, ginugol ni Charlie ang 10 minuto lamang at iniabot ang kantang pinamagatang "See U Again". At sa tulong ng kantang ito, umakyat si Charlie sa first place ng Billboard na nanatiling dream ni Justin Bieber. at nanatili ito sa first place nang 6 na linggo, isang linggo sa second place, at muling naging No.1 sa pagkatapos isang na linggo, just like a miracle.
Noong taong 2011, sa tulong ng album na "My World 2.0" na kinabibilangan ng kantang "Baby Baby", nakuah ni Justin Bieber ang 7 awards sa Billboard Music Awards at naging pinaka-promising star sa nasabing taon. At ang resulta ng "See U Again" ay mas maganda kaysa "Baby Baby". Walang duda, si Charlie ay magiging mainit na kandidato sa mga music awards sa katapusan ng taong ito. By the way, kalalabas lang ng bagong album ni Charlie at ang carrier song na "I Won't Tell a Soul", noong unang ipalabas sa streamming sites, natamo nito ang malaking pansin at maraming views.
Isa pang bagay na dapat banggitin dito ay…bago ang kanyang popular na popular na kantang "See U Again", bilang big fan ni Tylor Swift, natatandaan ko, you know, tuwing magsplit si Tylor at ang kanyang boyfriend, susulatin ni Tylor ang isang kanta bilang paglagom sa natapos na relationship at noong unang maging mag boyfriend at girlfriend sina Taylor Swift at Harry Styles miyembro ng 1D, espesyal na sinulat ni Charile ng isang kantang "Two Months" para sa kanila at tinukoy na tiyak na magsplit sila. Baka, siya ay big fan o admirer naman ni Taylor? Biro lang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |