Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-36 2015

(GMT+08:00) 2015-10-17 16:58:26       CRI
Noong isang linggo, nabanggit ko, ang bagong kantang "What Do U Mean" ni Justin Bieber, sa loob ng 5 minuto lamang, umakyat sa first place ng iTunes ang kanta, pinakamabilis sa rekord nitong 10 taong nakalipas. Isa pang linggo ang nakararaan, patuloy ang mga good news para kay Bieber, particular na, pagkaraan ng Itunes, naging first place naman ang "What Do U Mean" sa Billboard. Ito ang kauna-unahang Billboard winning single ni Justin sapul nang pumasok siya sa sirkulong musikal nitong 6 na taong nakalipas at si Justin ay naging pinakabatang winner sa kasaysayan ng Billboard.

Bilang ex-girlfriend ni Justin at perfect match minsan, sa mga mata ng music fans, pagkaraang malaman ang tagumpay ni Justin, hindi naiwasan ng mga fans na alamin ang lagay ni Selina Gomez, kasi, noong ika-10 ng Setyembre, ipinalabas din ni Selina ang bagong kantang "Same Old Love", ito ang ika-2 pangunahing kanta ng kanyang bagong album na "Revival", na naglalarawan ng bagong love philosophy ng modernong kababaihan. Bagama't mayroong bagong love affair na silang dalawa, pero, hindi ko alam kung how many of you, tulad ni Sissi ang umaasang muling magkakasama sina Justin at Selina?

Pero, para kay Selina Gomez, parang nagsisikap siya para ipakita ang kanyang sarili at magbigay-wakas sa pag-uugnayan nila ni Justin. Pagkaraang natamo ang first place ng kanyang kantang "Good For You" sa Itunes, sinusubok ni Selina ang iba't ibang music style, this time, inanyayahan pa niya si Charlie XCX na sumulat ng kanta para sa kanya, si Charlie XCX ay sumikat dahil sa kanyang natatanging istilo na tinaguriang batang Madonna ng 21 century. At itinago ni Selina ang kanyang sweetness at loveliness, naging traitorous at bold ang character niya.

Tapos, kumustahin naman natin ang princess ng musicdom na si Taylor Swift, hindi lamang mahusay siya sa pagsulat ng kanta at pakikipagkaibigan, kundi paggawa ng mga charity. Sa music video ng kanyang bagong kantang Wildest Dream, puwedeng makita ninyo ang mga elephant, giraffe, eagles at iba pang ilang na hayop na malayang tumatakbo o lumilipad sa gubat, damuhan at kalangitan. Ipinangako naman ni Taylor na ibibigay ang lahat ng kita ng nasabing kanta sa charitable organization para mapangalagaan ang mga hayop sa South Africa.

Kung babanggitin si Demi Lavato, baka maisip ninyo ang kantang " Let It Go" na inawit niya, actually, this girl who has a sweet smile, ay pumasok sa sirkulo ng entertainment bilang isang child star, at kinanta minsan ang maraming soundtrack ng TV series at pelikula. Actually, puwedeng siyang kumanta ng mga electronic at dance music and pwedeng maging cool and sexy si Demi. Kamakailan, ipinalabas niya ang bagong kantang "Cool Summer Time" na nagpakita ng isa pa niyang facet sa kanyang mga music fans.

Mataas na pinahahalagahan ni Tylor Swift ang copyright ng kanyang mga kanta at ini-off-shelf ang lahat ng kanyang mga kanta sa streaming at download sites ng internet. Gusto ni Miley Cyrus na gawing libre at ishare ang kanyang bagong album sa Internet na nakatawag ng malaking suporta mula sa mga music fans. At sa paghahanp ng sariling istilo, gumawa na si Miley ng maraming pagsubok kumpara sa nakararaming batang singer, ang kanyag exaggerated at medyo wirdong music style ay nakatawag ng malaking pansin, pati ng maraming pagbatikos.

Hanggang noong Mayo ng taong ito, ang kantang "Call Me Maybe" ni Carly Rae Jepsen ay nakabenta ng mahigit 15 milyong kopya na naging best selling single sa buong daigdig. At kamakailan, ipinalabas din ni Carly ang bagong album at naging popular na popular na ang carrier song nito na "I really really Like You", tulad ng "Call Me Maybe", simpleng lyrics at simpleng melody, pero, parang mayroon magic, puwedeng walang humpay na nag-echo sa inyong ulo. Matindi ang LSS nito… last song syndrome sa mga music lovers… Im sure you will be humming or singing to it long after I close this radio program   

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-35 2015 2015-10-17 16:53:38
v Pop China Ika-34 2015 2015-09-25 21:31:24
v Pop China Ika-32 2015 2015-09-12 16:48:21
v Pop China Ika-31 2015 2015-09-05 18:23:14
v Pop China Ika-30 2015 2015-08-28 21:09:34
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>