Noong 2007, isang 21 taong gulang na babaeng nagngangalang Stefani Joanne Angelina Germanotta, ay nagtamo ng isang pagkakataon mula sa company ng sikat na singer na si Akon, walang hesitation,iniwan niya ang pag-aaral sa Tisch School of the Arts sa New York University at gamit ang unique na stage name kanyang inilabas ang kanyang kauna-unahang album na "The Fame". Baka alam na ninyo kung sino ang sinasabi ko, siya ay si Lady Gaga, at bagama't 10 taon na ang nakaraan, nakaranas ng maraming up and downs, nananatili ang kanyang passion sa music at nakalikha ang maraming hottest hits.
Mula sa controversial na dance album naThe Fame, The Fame Monster, Born This Way, hanggang sa ARTPOP, Joanne, marami ang nagtatanong ano ang sikreto, bakit popular na popular si Lady Gaga? Magkakaiba ang palagay, ayon sa ilang media, si Lady Gaga ay isang professional na news maker, trouble maker, pero, sa palagay ni Gaga, siya ay isang performing artist. Halimbawa, nang tanungin kung ano ang kanyang inspirasyon - ipininta niya ang dugo sa mukha at nagpanggap na bangkay. Sinabi ni Gaga na dahil gustong gusto ng publiko ang taong matagumpay at mayroong everything, sa isang banda nagiging pantay ang lahat kapag humantong na sa kabilang buhay.
Partikular na noong taong 2014, nakipagcollaborate si Lady Gaga kay Tony Bennett at ipinalabas ang kanyang kauna-unahang jazz album na Cheek to Cheek. Ito ay parang isang lindol na yumanig sa kanyang music career na sumasagisag nang pagtakwl niya sa tatak bilang fashion diva, sa halip ng heavy make-up at pagkanta ng mga dance music, madalas na lumitaw siya sa iba't ibang okasyon, kumakanta ng mga classic music at muling itinatag ang kanyang imahe bilang isang purong singer. At ang pagbabago niya ay matagumay na muling nakatawag ng pansin mula sa publiko.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagkanta, ang ibang title si Lady Gaga ay kinabibilangan ng director, producer, performer, philanthropist at farm owner, napakatagumay niya. Pero, kapag nagbalik-tanaw sa kanyang personal life, sinabi ni Lady Gaga na siya ay isang loser sa relationship. Nang lumampas sa 10 milyon ang bilang ng pagbebenta ng kanyang record, nawala ang unang boyfriend na si Matt, at nang lumampas sa 30 milyon, nawala ang ika-2 boyfriend na si Luke at nang mag-concentrate si Lady Gaga sa kanyang unang pelikula, nawala naman ang ika-3 boyfriend na si Taylor na kasama niya ng 5 taon at naging engaged minsan. At dahil dito, nagka sakit ng depression minsan si Lady Gaga, salamat sa Diyos, nahanap na ni Lady Gaga ang kanyang Mr. Right.
This year, sa edad na 31 taon, tila maayos ang lahat ng bagay kay Gaga, pero hindi pala at biglang lumabas ang pahayag kamakailan na si Lady Gaga ay pangsamantalang uurong mula sa music circle. Noong lumahok sa Toronto International Film Festival para ipakilala ang kanyang pinakahuling documentary na Gaga: Five Foot Two, sinabi ni Gaga na dahil may karamdamang post-traumatic stress disorder, gusto niyang magpahinga at i-enjoy ang slow life. At pagkaraang tapusin ang Joanne world music tour sa katapusan ng taong ito, baka bumalik siya sa ng kanyang farm, magtanim na lang ng gulay o mag-alaga ng hayop.