|
||||||||
|
||
Sa mga pulo ng South China Sea, sa mula't mula pa'y, may di-matutulang soberanya ang Tsina at ang paninindigan ng Tsina ay dapat lutasin ang pandaigdig na pagkakaiba sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.
Una, ang Pinanggalingan ng isyu ng South China Sea
Ang Tsina ay pinakaunang tumuklas ng South China Islands at pinangalanan itong "Nansha Qundao" o South China Islands at isinasagawa pinakamaagang Tsina ang soberanya sa South China Islands. May lubos na batayang pambatas at pangkasaysayan ang Tsina sa katotohanang ito at kinikilalan ito naman ng komunidad ng daigdig.
Bago noong 1957, maliwanag na kinikilala ng Byetnam ang soberanya ng Tsina sa South China Islands. Bago ika-7 dekada ng tinalikdang siglo, walang anumang pambatas na dokumento o talumpati ng mga lider ang Pilipinas at Malaysiya ang bumanggit na ang South China Islands ay nasa loob ng saklaw ng teritoryo ng kanilang bansa. Bukod dito, inimarkahan sa mga mapang inilimbag ng maraming bansa na ang South China Islands ay kabilang sa ng Tsina. Halimpawa, "Bagong pandaigdig na mapa" na inilimbag ng Hapon noong 1962, mga pandaigdig na mapa na inilimbag ng Byetnam noong 1960 at 1972. Bukod dito, mula noong ika-20 siglo, sa maraming autorisadong ensiklopidya, gaya ng "Ensiklopidya ng Unyong Sobyet" na inilimbag noong 1973 at "World Yearbook" na inilimbag noong 1979 ng Hapon, pawing kinikalala na ang South China Islands ay isang bahagi ng teritoryo ng ng Tsina.
Ika-2, saligang paninindigan sa isyu ng South China Sea at paninindigang pampatakaran sa paglutas ng alitan ng Nansha Islands
Palagiang pinaninindigan ng pamahalaang Tsino na lutasin ang pandaigdigang alitan sa pamamagitan ng talastasang pangkapayapaan. Nakahanda rin ang panig Tsino na batay sa Pandaigdig na Batas at Modernong Batas ng Dagat, maayos na lutasin ang mga alitang may kinalaman sa South China Sea sa pamamagitan ng mapayapang talastasan. Inihrap din ng pamahalaang Tsino na bago ang paglutas ng isyung ito, nakahandang pansamantalang isaisang-tabi ang alitan at magkasamang galugarin. Noong ika-4 ng Nubyembre ng taong 2004, sa Phnom Penh ng Kambodya, nilagdaan ng mga ministrong panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN ang Declaration on the Code of Conduct on the South China Sea. Tiniyak ng deklarasyong ito na buong sikap na palakasin ng Tsina at ASEAN ang may pagtitiwalaang partnership ng mainam na kapitbansa at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea. Binigyan-diin nitong dapat lutasin ang mga alitan hinggil sa South China Sea sa pamamagitan ng pangkaibigang pagsasanggunian at talastasan at mapayapang paraan. Bago lutasin ang alitan, ipinangako ng iba't ibang panig na manatiling magtimpi, hindi isagawa ang mga aksyong posibleng humantong sa pagsasasalimuot at pagpapalawak ng alitan at batay sa diwa ng pagtutulungan at kompromiso, hanapin ang paraan sa pagtatatag ng pagtitiwalaan na kinabibilangan ng pagsasagawa ng mga pagtutulungan hinggil sa pangangalaga sa kapaligirang pandagat, pagsesearch at panaklolo, pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen at iba pa. Ang deklarasyon ay uanng dokumentong pulitikal na nilagdaan ng Tsina at ASEAN hinggil sa isyu ng South China Sea at may mahalagang katuturan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea at pagpapahigpit ng pagtitiwalaan ng Tsina at ASEAN.
Ang isyu ng South China Sea ay isyu sa pagitan ng Tsina at mga may kinalamang bansa. Palaging pinaninindigan ng pamahalang Tsino na lutasin nila ng mga may kilamang bansa ang alitan sa pamamagitan ng bilateral na pangkaibigang pagsasangunian. Hinding hindi karapat-dapat ang pakikialam ng anumang puwersang panlabas, ibayo pang magpapasalimuot lamang ito sa kalagayan. May ganap na kakayahan at kompiyensa ang Tsina at mga may kinalamang bansa para maayos na lutasin ang kanilang alitan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |