Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isyu sa South China Sea

(GMT+08:00) 2009-04-15 17:10:20       CRI

Hinggil sa Huangyan Dao

Ang Huangyan Dao, tinatawag na Scarborough Shoal sa daigdig, ay siyang tanging isla na nangingibabaw sa tubig sa Zhongsha Islands sa South China Sea. Matatagpuan ito sa 15.07 degrees north latitude at 117.51 degrees east longitude at halos 160 miles ang layo mula sa Zhongsha Atolls. Sa gawing silangan ng Huangyan Dao ay Manila Trench na geographical demarcation sa pagitan ng Zhongsha Islands ng Tsina at Philippine Islands. Sa kasalukuyan, idineklara ng Pilipinas ang aktuwal na pagkontrol sa rehiyong pandagat sa paligid ng Huangyan Dao.

Heograpiya

Ang Huangyan Dao ay hugis-triyanggulong isla na ang buong ligid nito ay 55 kilometro at 150 kilometro kuwadrado ang lawak. Ito ay nakausli sa dagat na bahagi ng higanteng bundok sa ilalim ng dagat. Sa loob ng Huangyan Dao ay isang lawa na 130 kilometro kuwadrado ang lawak at 10 hanggang 20 metro ang lalim ng tubig. Sa dakong timog silangan ng lawang ito ay isang pasilyo na 360 hanggang 400 metro ang lapad at 9 hanggang 11 metro ang lalim ng tubig. Ang mga katamtamang laking bapor pangisda at maliit na navy boat ay nakakapasok mula rito sa Huangyan Dao para sa pangingisda o pagkanlong.

Batay sa heograpikal na estruktura, ang Huangyan Dao ay bahagi ng natural extension ng continental shelf ng Tsina. Sa gawing silangan nito ay Manila Trench na geographical demarcation sa pagitan ng Zhongsha Islands ng Tsina at Philippine Islands.

Ang Tsina ay unang nakatuklas ng Huangyan Dao. Noong 1279, batay sa kautusan ng Emperor Shizu ng Yuan Dynasty, isinagawa ni Guo Shoujing, isang siyentistang Tsino, ang pagsarbey sa rehiyong pandagat sa paligid ng Tsina at ang Huangyan Dao ay kabilang sa kanyang isinarbey. Ang rehiyong pandagat ng Huangyan Dao ay isang lugar pangisda ng mga mangingisdang Tsino noong sinaunang panahon at itinala sa ilang pangkasaysayang materyal ang hinggil dito. Noong Enero ng 1935, inilakip ng Komiteng Tagasuri ng Tsina sa Mapa ng Lupa at Dagat ang Huangyan Dao sa teritoryo ng Tsina. Noong katapusan ng 1947, sa mapa ng mga isla sa South China Sea na opisyal na ipinalabas ng Ministri sa Suliraning Panloob ng Tsina, ang Huangyan Dao o tinawag na Minzhu Jiao sa panahong iyon, ay inilagay sa loob ng linya ng demarkasyon para sa pagdedeklara ng pag-angkin nito. Noong 1983, tiniyak ng National Place Names Committee ng Tsina na ang Huangyan Dao ay pangalan ng lugar na ito.

Pagtatalo sa soberanya

Bago ang ika-9 na dekada ng ika-20 siglo, kinilala ng komunidad ng daigdig ang soberanya ng Tsina sa Huangyan Dao at walang pagtatalo sa soberanya sa lugar na ito. Ang hidwaan sa isyung ito ay nagsimula noong 1992 pagkaraang sabihin ni Roilo Golez, dating National Security Adviser ng Pilipinas, na ang Huangyan Dao ay teritoryo ng Pilipinas.

Mula noong 1993, sinimulan ng Pilipinas ang pagsarbey, pagsusuri at pamamatrolya sa Huangyan Dao. Noong 1997, sinira ng hukbong pandagat ng Pilipinas ang sovereignty mark ng Tsina sa Huangyan Dao at pagkaraang dumating ng Huangyan Dao ang isang bapor ng Tsina na may lulang mga radio amateur mula sa Tsina, E.U. at Hapon para sa pagbisita, itinuring ito ng panig Pilipino na pagtatangka ng Tsina sa pagsakop sa Huangyan Dao at itinakda rin ang plano para mapangalagaan ang umano'y soberanya nito.

Noong 1999, ilang beses na pinalayas at binangga ng mga bapor pandigma ng Pilipinas ang mga bapor pangisda ng Tsina sa rehiyong pandagat na ito. Noong ika-3 ng Nobyembre ng 1999, isinadsad ng Pilipinas ang BRP Benquet sa Huangyan Dao. Noong ika-5 ng Disyembre ng 1999, inalis ng Pilipinas ang bapor na ito batay sa kahilingan ng Tsina bilang paunang kondisyon para sa pagdalaw ni premier Zhu Rongji sa Pilipinas. Noong 2004, inilagay naman ng Pilipinas ang bapor na ito sa Zhongye Dao ng Nansha Islands.

Batay sa Kasunduan ng Paris noong 1898, Kasunduan ng Washington noong 1900 at Kasunduan ng Britanya at E.U. noong 1930, ang 118 degrees east longitude ay ang kanlurang hanggahan ng teritoryo ng Pilipinas at ang Huangyan Dao ay sa labas nito. Ang naturang linyang panghanggahan ay inulit din sa Konstitusyon ng Pilipinas noong 1935 at Baseline Bill noong 1961.

Kasabay nito, sa lahat ng mga mapa na ipinalabas ng Pilipinas bago ang ika-9 na dekada ng ika-20 siglo, hindi inilakip ang Huangyan Dao sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Atityud ng Tsina sa pagsakop ng Pilipinas sa Huangyan Dao

Maraming beses na ipinaliwanag ng mga tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang paninindigan ng kanilang bansa sa isyung ito. Ayon sa kanila, may di-matututulang soberanya ang Tsina sa Huangyan Dao, Nansha Islands at rehiyong pandagat sa paligid nito. Ilegal at walang-bisa ang kahilingan ng anumang bansa sa soberanya sa teritoryo sa Huangyan at Nansha Islands. Sa magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang may kinalamang panig, nananatiling matatag sa kabuuan ang kalagayan sa rehiyong ito. Umaasa ang Tsina na tumpak na susundin ng mga bansa ang Deklarasyon sa Aksyon ng Iba't Ibang Panig sa South China Sea, hindi isasagawa ang aksyong posibleng magpasalimuot at magpalawak ng hidwaan at magkakasamang pangangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.


1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>