Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"You are so special!"__Konsyerto sa BJ ni Gary V.

(GMT+08:00) 2009-07-01 14:00:31       CRI
Sa totoo lang, parang hirap na hirap akong simulan ang blog post na ito dahil sa dami ng paksang naiisip kong itampok--pagmamahal, pagkakaibigan, pagtitiyaga, lakas ng loob, paggalang, katapatan…

Talagang napukaw nang husto ang damdamin ko sa panonood ng konsiyerto ni Gary V., pop icon ng Pilipinas, dito sa Beijing nitong nagdaang Linggo ng gabi.

Mababasa sa Wikipedia na dahil sa kanyang magalaw at bigay-todong pagsasayaw, siya ay tinaguriang "Mr. Pure Energy." At nang tanungin namin siya ni Sissi sa aming interbiyu sa kanya hinggil sa taguring ito, ganun na ganon ang sagot niya sa amin.

Gayunman, sa pakiwari ko, ito ay higit pa roon!

Gulat na gulat ako nang sabihin ni Gary sa mga manonood na tatlong dekada na niyang nilalabanan ang juvenile diabetes. Ipinakita pa nga niya ang dala niyang gamot sa bulsa. At lalo pang naaliw ang mga manonood nang sabihin niya sa kanila na dahil sa nararanasan nilang pagdurusa o kasiphayuan na tulad ng pag-iwan ng kasintahan, pagpapahirap ng sakit o pagkawala ng trabaho ay lalo lamang silang nagiging "special." Kasunod nito, kinanta niya ang "Warrior is a Child," ang awiting nakakatulong nang malaki sa kanya sa paglaban sa diabetes.

Sa panayam namin ni Sissi sa kanya sa backstage, kitang-kita iyong ningning ng ngiti sa kanyang mukha at lalo namang kumislap ang mga mata niya nang banggitin niya ang kanyang tatlong anak. Sinabi niyang habang nandoon siya sa entablado at nagtatanghal, hindi rin naaalis sa kanyang isip ang pag-asang sana naroon din at kasama niya ang kanyang mga anak. Ipinakita rin niya sa amin ang kanilang family picture at binigyan niya kami ng isang kopya bilang alaala.

Pamilya Valenciano

 Attentive sa interbiyu si Gary

Nitong ilang araw na nakalipas, sinusulyapan ko paminsan-minsan ang website ni Gary at sa homepage ng web, mababasa ang mensahe niya para sa yumaong si Michael Jackson. Sabi niya sa huling bahagi: "…He became a laughingstock to some who chose to thrive on the gossip he may or may not have caused. But to me, he will forever be the one who moved us the only way he could…"

Laking gulat ko naman nang mabasa ko ang kanayang mensahe sa kanyang fans. Naroon ang kasagutang matagal ko nang hinahanap-- "There are some things that we were never meant to change, like the heart of a man or woman. The spirit always truly wants what is right. That has always been part of the nature who we are…"

Ayon sa pilosopiya ng sinaunang Tsina, ang lahat ng mga tao ay isinilang na may taglay na kabaitan at lubhang mahalaga kung bakit dapat nating panatilihin ang kabaitan at pagiging dalisay na ito…

Pagdating naman sa konsiyerto mismo, hindi kailanman binibigo ni Gary ang mga manonood, di ba?

Mga tipikal na dance steps ni Gary

Si Gary habang nakikisalamuha sa mga manonood.

 

Kopya ng mga CD na may mensahe at autograph ni Gary. Bigay ng kanyang kabiyak na si Angeli.

Kailangan kong aminin na talagang SPECIAL para sa amin ang konsyerto ni Gary dahil halos ng lahat naming recorder ay hindi tumakbo nang maayos kaya patutugtugin namin ang awiting ito na "Warrior is a Child" mula sa CD na galing mismo sa kanya.

Blog ni Jade >>                                                                                           << Home

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>