|
||||||||
|
||
Sapul nang unang marinig ko ang mga balita at makita ko ang mga litrato sa mga Philippine websites hinggil sa pagbaha na dulot nina Ondoy at Pepeng, hindi ko na napigilan ang pagtatanong sa aking sarili: paano ko matulungan iyong mga kaibigang Pinoy na nasalanta ng bagyo at pagbaha?
Di ko kayang mapigilan ang pag-uulit ng pagtanong sa kabila ng labis na pagkabahala ko sa iba't ibang misyon sa trabaho dahil noong araw, papalapit na ang ika-60 pambansang araw ng inang-bayan ko at nagsimula na rin ang mga selebrasyon bilang pagdiriwang sa ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng opisyal na pag-uugnayan ng Pilipinas at Tsina.
Hindi ko malaman pero parang magkahalong saya at lungkot ang aking nararamdaman.
Lalong tumindi ang nagtatalong lungkot at saya ng aking kalooban nang makatanggap ako ng mga mensaheng pambati mula sa mga tagasubaybay para sa pambansang araw ng Tsina at nang tumawag naman ako sa mga kaibigang Pinoy para iparating ang aking pangungumusta pero sa halip, binati nila ako ng "Happy National Day"…
Kahit papaano maibsan ang di-matatag na lagay ng aking kalooban nang makatanggap ako ng email ni Mary Song Zhao, isa sa aking junior na nag-major din sa Philippine Studies.
Masasabing salamat sa email ni Song, nasalba na ako mula sa nagdurusang kalooban.
Sa ngalan ng Philippine Studies Program ng Peking University, sumulat si Mary ng email na ito na nagmumungkahi sa lahat ng mga kasamang nag-major sa Philippine Studies na mag-alay ng donasyon sa mga Pinoy na nabiktima ng baha.
Nasa wikang Tsino ang email at gusto kong isalin ang parte nito at ibahagi sa inyo:
"Bilang minsan ay nag-major sa Philippine Studies, meron kaming higit na espesyal na ugnayan sa Pilipinas. Kahit ibang iba ang aming kasalukuyang ginagawang okupasyon, hindi maipagkakailang salamat sa Pilipinas, nabigyan kami ng isang pagkakataon ng paglaki at pagkuha ng kaalaman para mahubog ang kasalukuyang mismo. Masasabing kinakitaan ang aming buhay, sa kabila ng pagkakaroon ng pagkakaiba, ng turiwan at di-turiwang impluwensiya mula sa Pilipinas at sa pakiwari ko, dapat namin itong ipagpasalamat sa bansang ito.
Dahil dito, makatwirang mag-alok kami ng aming tulong, kahit papaano, sa panahong nabaon sa kapahamakan ang Pilipinas…"
Unti-unting tumataas ang bolyum ng abuloy.
Sinimulan ang pangongolekta ng pondo noong katapusan ng nagdaang Setyembre at natapos ito noong ika-23 ng buwang ito. Ipapadala ang abuloy sa Kaisa Para sa Kaunlaran Inc. na siyang mamamahala at magsusuperbisa sa paggamit ng donasyon.
Ang donasyon ng Philippine Studies Program ng Peking University ang bahagi at isa pang pasimula lamang ng pagbibigay-tulong ng mga Pinoy at residenteng lokal ng Beijing sa mga nabiktimang kababayang Pilipino.
Tinawagan ako nitong nagdaang Linggo ng isang Pinay kong kaibigan para anyayahan akong lumahok sa isang charity ball na gaganapin dito sa Beijing sa darating na Nobyembre. Heto ang bahagi ng kanyang email.
Gusto kong ulitin ang aking pasasalamat sa mga kaibigang Pinoy__hindi nila nakakalimutan ang mga ulilang Tsino sa panahong nag-aalay sila ng tulong sa mga nabiktimang kababayan.
Hindi pa mapipigilan ang aking malasakit sa mga kaibigang Pilipino.
Sana gumanap ng papel ang aming donasyon sa lalong madaling panahon para mabigyan, kahit limitado, ng tulong ang ilang kaibigang Pinoy…
Sana ang aking pangungumusta sa inyo sa pamamagitan ng Serbisyo Filipino ng CRI at ang aking pagdarasal ay nagpalakas at magpapalakas pa ng inyong loob para malaban ang pananalasa ng kalikasan…
Nagsisimula pa lang ang pagkakaloob ng tulong at magpapatuloy ito…
MANALANGIN TAYO!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |