Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lakad para sa kalikasan

(GMT+08:00) 2011-06-19 17:06:56       CRI

Kamakailan ay idinaos sa distrito ng Fangshan, Beijing ang "2011 Beijing International Long Distance Walk Carnival," na naglalayong isulong ang pangangalaga sa kalikasan at pagtitipid sa enerhiya. Halikayo at tunghayan ang kuwento ng aktibidad na ito.

Dahil sa napakabilis na pag-unlad sa ekonomiya, imprastruktura, at pangkalahatang pamumuhay sa Tsina, maraming mga pagawaan at iba pang gusali mula sa ibat-ibang industriya ang naitatayo araw-araw sa bansang ito, lalo na sa mga malalaking lunsod na katulad ng Beijing, Shanghai, Guangdong, at iba. Nariyan din ang biglaang pagdami ng mga sasakyan sa kalsada na nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko at nakakadagdag sa polusyon sa hangin.

Polusyon sa hangin

Dahil dito, unti-unting nasisira ang kalikasan, tumataas ang presyo ng gasolina, at bumababa ang kalidad ng hangin sa mga naturang lunsod, dahilan kung bakit maraming mga mamamayan ang nagkakasakit at humihina ang pangangatawan.

Polusyon sa mga sasakyan

Ang mga pangyayaring ito ay hindi lingid sa kaalaman ng lokal na pamahalaan ng Beijing at maraming mga gawain ang isinasakatuparan at nakalinya pang isakatuparan upang labanan ang masasamang epekto ng mga pag-unlad na nabanggit.

Kamakailan ay nakibahagi ako sa isang aktibidad na pinangalanang "2011 Beijing International Long Distance Walk Carnival," na ginannap sa maburol na distrito ng Fangshan, Beijing. Isinusulong nito ang paglalakad at paggamit ng bisikleta at pagsakay sa mga pampublikong sasakyan kung ang distansiyang iyong lalakbayin ay hanggang 10 kilometro lamang. Isa ito sa mga proyekto ng lunsod ng Beijing upang pabutihin ang kalidad ng hangin at i-promote ang pag-e-ehersisyo sa mga mamamayan ng lunsod.

Ang mapa ng 2011 Beijing International Long Distance Walk Carnival

Isa sa mga slogan na nagpapahayag ng mithiin ng 2011 Beijing International Long Distance Walk Carnival

 Ang starting point ng walk carnival

Ayon sa isang opisyal ng lunsod na aking nakapanayam, "sa ilalim ng programang ito, dapat lamang tandaan ang mga numerong 3510." Sinabi niyang "kung ikaw ay maglalakbay lamang ng 3 kilometro, dapat ikaw ay maglakad; kung ikaw naman ay maglalakbay hanggang 5 kilometro, gumamit ka ng bisikleta; kung ikaw naman ay maglalakbay hanggang 10 kilometro, huwag mong gamitin ang iyong kotse at sumakay na lamang ng pampublikong sasakyan na gaya ng bus, subway, o tren."

Isa sa mga tagapagsulong 3510, kasama ang kanyang anak na lalaki

Sa paraang ito aniya, makakatulong tayo sa pagbabawas ng polusyon sa hangin, lalakas ang ating pangangatawan, at makakatipid pa tayo sa gasolina, na talaga namang napakataas ang presyo sa ngayon.

Sa gitna ng aking paglalakad sa walk carnival

Bukod pa riyan, ang naturang aktibidad ay naglalayon ding i-promote sa mga mamamayan ang turismo sa nasabing distrito at ipakita sa mga kalahok ang magagandang tanawing daraanan sa nasabing aktibidad.

Isa sa mga masugid na tagasuporta ng proyektong 3510

 Sa gitna ng dagat ng mga taong kalahok sa walk carnival

Ang naturang 16.5 na kilometrong aktibidad ay dinaluhan ng humigit-kumulang sa sampung libong partisipante na kinabibilangan ng ibat-ibang matataas na opisyal ng lunsod ng Beijing; non-government organizations (NGOs); mga estudyante ng ibat-ibang paaralan; media organizations, kasama na ang Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI); at karaniwang mga mamamayan.

Mula sa kaliwa (Liang Shuang, Xhu Yang, Yu Yong Jing), mga mamamahayag ng CRI

Mga kalahok

Mga kalahok

Mga kalahok

Mga Kalahok

Habang naglalakad, kinausap ko ang isa sa mga mamamahayag na naroroon at sinabi niya sa akin na talagang espesyal ang aktibidad na ito dahil lumahok ang isang 85 taong gulang na lalaki. Sinabi pa niyang aabangan niya ito doon sa may finish line upang kapanayamin.

 

Kalahok

Kalahok

Kalahok

Siyempre, bilang isang mamamahayag, interesado rin akong kapanayamin ang naturang lalaki. Sa may di-kalayuan, nasuwertehan kong nakita siya, kasama ang dalawang apo. Sa aking maikling panayam sa kanya, sinabi niyang mula noong bata siya, mahilig na siyang mag-ehersisyo at sinusuportahan niya ang aktibidad na ito, at determinado siyang makarating sa finish line.

Ang 85 taong gulang na lalaki, kasama ang kanyang dalawang apo habang naglalakad

 Ang 85 taong gulang na lalaki habang ipinakikita ang kanyang natamong mga armband

Halos 3 libong kalahok naman ang nakarating sa finish line at ginawaran ng sertipiko.

Kasama ang aking asawa, na isa ring mamamahayag ng CRI, ang matandang lalaki at kanyang dalawang apo, ilan kami sa mga masuwerteng nakarating sa finish line at nagawaran ng sertipiko.

Ang aming sertipiko pagdating namin sa finish line

Ilan pa sa mga kalahok na nagtagumpay hanggang finish line

/end/rmz//

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>