Sunod naming pinuntahan ang 五大道 Wudadao o fifth avenue. Ito ay matatagpuan sa timog bahagi ng Tianjin city center.Ang limang avenues na ito ay ang Machangdao, Munandao, Dalidao, Chongqingdao and Chengdudao. Sa limang avenues na ito napapaloob ang 22 kalsada, na may haba na 17 kilometro at 1.28 square kilometers ang laki.
Dito makikita ang 2,000 garden-style villas na itinayo noong 1920s and 30s ng iba't ibang bansa. Hindi kami masyado tumagal sa wudadao at hindi naming natapos ikutin ang 22 kalsada.
Mga Related: Tianjin's Antiques City (2011.08.22)
Tianjin's Gulou (2011.08.15)
Ang Romantikong Syudad ng Tianjin (2011.08.08)