|
||||||||
|
||
Karaniwang dinadayuhan hindi lang ng mga turista pati na din ng mga lokal na residente ng Chengdu ang Wuhou Temple, Wuhou na ang ibigsabihin ay Minister of War.
Ang Wuhou temple ay matatagpuan sa Wuhou District ng Chengdu na may lawak na 37,000 sq. m. Hindi tiyak kung kalian ito naitayo, ngunit ang templong ito ay itinayo katabi ng templo ni Liu Bei, emperador ng dinatisyang Shu. Sa pagdating ng panahon ng dinastiyang Ming, pinagdikit ang dalawang templo. Isinaayos muli ang temple noong 1672 na pinalibutan ng mga pulang dingding.
templong maaring pagdasalan sa loob
Ang Wuhou district ang isa sa pinakamalaking distrito sa Chendgu at ito din ang pinakamayaman na kung saan napapaloob ang Yulin at Shuangnan, dalawang lugar na kung saan my pinakamataas na uri ng pamumuhay sa Chengdu.
pagpapakilala kay Zhuge Liang
Ang Wuhou temple ay itinayo bilang pag-alala kay Zhuge Liang, isang kilalang personahe dahil sa kanyang natatanging katalinuhan na nabibilang sa kahariang Shu sa panahon ng tatlong kaharian ng Wu, Shu at Wei, ngunit ang pinakabida sa templong ito ay ang kanyang emperador na si Liu Bei. Isa lamang ang Wuhou temple sa mga lugar sa Tsina na itinayo bilang pag-alala sa kanya.
pagpapakilala kay Liu Bei
Nahahati sa limang bahagi ang templo, ang gate, ikalawang gate, hall of Liu Bei, ang corigidor at ang Hall ni Zhuge Liang. Sa loob makikita ang gawang luwad na iskultura ni Emperador Liu Bei at kanyang mga ministro. Ang Liu Bei Hall ay ang nasa pinakamataas na lugar na nagpapakita lamang ng superemong dignidad ng emperador. Napapaloob din sa templong ito ang puntod ni Emperador Liu Bei.
ang imahe ni Zhuge Liang
Sa palasyo naman ni Zhu Geliang matatagpuan ang "Zhu Ge drums" na sinasabing ginamit ni Zhu Geliang sa panahon ng digmaan.
ilan sa mga stone tablet na matatagpuan sa loob
Madaming tablet na gawang bato ang makikita sa loob ng temple na isinulat ng iba't ibang tauhan, ngunit isa sa pinakakilala dito ay ang "Three Perfect Tablet" na kung tawagin dahil ang nilalaman ito, sulat-kamay at ukit ay gawa ng mga kilalang mga tauhan. Makikita din sa loob ng temple ang 14 na malalaking estatwa ng mga opisyal ng kahariang Shu.
isang maliit na hardin sa loob ng templo
Binabalik balikan ng mga residente ang lugar upang alalahanin ang mga personaheng naging bahagi na ng kasaysayan ng Tsina. At kung ikaw ay interesado sa kasaysayan ng Tsina, hindi mo dapat palagpasin ang Wuhou Temple sa inyong pagdalaw sa Chengdu, Sichuan.
mga nagcucutan na mga batang nakasuot ng tradisyonal na kasuotan sa sinaunag panahon sa Tsina
Related: Wenshu Monastery (2011.10.18)
Ang "Makipot at Maluwag na Eskinita" sa Chengdu (2011.10.11)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |