Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Desyerto ng Kubuqi

(GMT+08:00) 2011-12-09 14:20:32       CRI

Mga 5:30 am ay lumuwas na kaming patungong Inner Mongolia mula Beijing. Mga pitong oras din tinagal ang biyahe sa pamamagitan ng bus bago kami nakarating sa aming destinasyon- ang Resonant Sand Gorge o Xiang Sha Wan ng Kubuqi Desert.

Tuwang tuwa ako dahil ito ang aking kauna-unahang pagkakataon na makakita ng desyerto. Kaya't matapos ilagay ang mga bagahe sa kuwarto ay agad ako kasama ng aking mga kaibigan tumungo sa pangturistang parte ng Kubuqi Desert na kilala sa pangalang Resonant Sand Gorge.

Ang literal na kahulugan ng Kubuqi Desert ay "bowstring" sa Mongolia na matatagpuan sa timog ng Yellow River na may habang 400 kilometro mula silangan patungong kanluran. Ang karaniwang taas ng buhangin dito ay 10-15 metro. Ang Resonant Sand Gorge ay matatagpuan naman sa hilagang dulo ng Kubuqi desert. Ang pangalan nito ay nakuha mula sa tunog na "Shhhh" na ginagawa ng mga buhangin sa bawat pagtapak dito.

Kinakailangan sumakay ng cable car papasok sa Resonant Sand Gorge. At siyempre ayaw mo namang mapuno ng buhangin ang iyong sapatos, kaya't bago makatapak sa Resonant Sand Gorge, kinakailangan balutin muna gamit ang mga malalaking telang sadyang ginawa para hindi pumasok ang buhangin sa mga paa. Mahangin at walang kasing-init ang lugar na ito.

Maraming aktibidad ang maaaring gawin dito, pwedeng sumakay ng maliit na tren na iikutin kayo ng ilang minuto sa disyerto, o sumakay sa malaking bubble balloon kung saan maaari kayong magpaikot-ikot sa buhangin, sumakay ng mga camels at iba pa.

Isang munting paalala lamang: magdala ng sombrero, sunglass at sunblock ang mga nais magtungo dito upang maprotektahan ang sarili sa labis na init ng araw. Ang sunglass ay importante hindi lang para sa proteksyon laban sa init ng araw pati din ang pag-iwas sa pagpasok ng buhangin sa mata dala ng malakas na hangin.

Related: Inner Mongolia (2011.11.28)

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>