|
||||||||
|
||
Mula ika-4 hanggang ika-10 ng Mayo, dumalaw sa Estados Unidos (E.U.) si Liang Guanglie, Ministro ng Tanggulan ng Tsina. Siya rin ang unang ministro ng tanggulan ng Tsina na dumalaw sa E.U. sapul noong 2003.
Sa kanyang pananatili sa E.U., narating ng hukbo ng Tsina at E.U. ang nagkakaisang posisyon sa 4 na larangan na kinabibilangan ng una: pagtatayo ng matatag, malusog at mapaniniwalaang relasyon ng dalawang hukbo, pangalawa: pagpapahigpit ng pag-uugnayan ng mga departamento ng dalawang tangulan para mapalalim ang pagtitiwalaan at mapagtuunan ng pansin ang mga sensatibong isyu, pangatlo: pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangan na gaya ng gawaing panaklolo, impormasyon at iba pa, at pangapat: pagpapahigpit ng kooperasyong panseguridad para mapangalagaan ang katatagan at kapayapaan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Sina Liang Guanglie, Miniatro ng Tanggulan ng Tsina, at Leon Panetta, Kalihim ng Tanggulan ng E.U., sa news birefing pagkatapos ng pag-usap
Kaugnay ng pagdalaw ni Liang sa E.U., ang mga mainit na isyu na gaya ng South China Sea, kalagayan ng Korean Peninsula, seguridad ng internet, at pagdedeploy ng tropang Amerikano sa Asya ay nakatawag ng pansin ng kumunidad ng daigdig.
Ayon sa mga aktibidad ni Liang sa E.U., isinagawa ng dalawang bansa ang matapat na pagpapalitan hinggil sa nabanggit na mga isyu at ito ang nagpapapawi ng pagkabahala sa sagupaan ng dalawang bansa dahil sa naturang mga isyu. Ito rin ay positibong epekto, hindi lamang para sa Tsina at E.U, kundi maging sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Si Liang Guanglie ay bumibisita sa Military Academy at West Point ng E.U.
Mga pagpapalagayan ng hukbo ng Tsina at E.U.
Pagkatapos pumasok ang ika-21 siglo, dumadalas at lumalawak ang pagpapalitan at pagpapalagayan sa pagitan ng hubko ng Tsina at E.U.
Bago ang pagdalaw ni Liang, noong 2003, dumalaw sa E.U. si Cao Gangchuan, Ministro ng Tanggulan ng Tsina noong panahong iyon, noong 2006, dumalaw sa E.U. si Guo Boxiong, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina, noong 2009, dumalaw sa E.U. si Xu Caihou, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina, at noong 2011, dumalaw sa E.U. si Chen Bingde, Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng hukbo ng Tsina.
Mga sundalo ng Tsina at E.U.
Mga sundalo ng Tsina at E.U.
Bukod riyan, mayroon ding mga pagdadalawan sa mataas na antas at aktibidad ng pagpapalitan sa pagitan ng hukbo ng dalawang bansa.
Kumpara sa relasyon ng hukbo ng Tsina at E.U. noong panahong ng ika-9 dekada ng nagdaang siglo na madaling tumaas-bumaba dahil sa hidwaan, nagiging mas matatag at malusog ang relasyon ng dalawang bansa ngayon.
Kahit mayroon ding mga hidwaan ang hukbo ng dalawang bansa, iginigiit nila ang pagpapalitan at pag-uugnayan para mapaliit ang hidwaan sa halip ng komprontasyon at digmaan.
Unang pag-uugnayan ng hukbo ng Tsina at E.U.
Sa katotohanan, ang kauna-unahang pag-uugnayan sa pagitan ng People's Liberation Army o PLA ng Tsina at hukbo ng E.U. ay isang digmaan at ito ay nag-iwan ng masamang impresyon sa dalawang panig.
Ang nabanggit na digmaan ng Tsina at E.U. ay nagbunga ng pag-aawayan at di-pagkakaunawaan ng dalawang bansa sa loob ng mahabang panahon.
Ang digmaang ito ay naganap noong unang dako ng ika-5 dekada ng nagdaang siglo sa Korean Peninsula. Sa katotohanan, hindi binalak ng dalawang bansa na makipagdigma sa isa't isa noong panahong iyon, pero dahil hindi nila alam ang tunay na target at paninindigan sa digmaan sa pagitan ng Hilaga at Timog Korea noong 1950, naganap ang sagupaan.
Para sa E.U., dahil mayroon itong pinakamalakas na puwersang militar sa daigdig at santadang nuklear, ipinalalagay nito, na yuyuko ang bagong tatag at mahirap na People's Republic of China at hindi ito magbibigay-tulong sa Hilagang Korea. Kaya, naglunsad ng air raid ang tropang Amerikano sa hangganan ng Tsina at Hilagang Korea at ilang bahagi ng Hilagang Silangang Tsina, nukleong industriyal na kompleks ng Tsina noong panahong iyon.
Para sa Tsina, dahil sa malaking agwat sa pagitan ng Tsina at E.U. noong panahong iyon, hindi gusto ng pamahalaang Tsino na makipagsagupa sa E.U., pero ikinabahala ng mga lider ng Tsina na ang pinal na target ng tropang Amerikano ay salakayin ang Tsina at pabagsakin ang rehimen ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Kaya ipinasiya nito na tulungan sa pakikipaglabag ang Hilagang Korea laban sa E.U. para mas magandang maipagtanggol ang pambansang katiwasayan.
Dahil walang ugnayan at pagpapalagayan ang Tsina at E.U. noong panahong iyon, hindi nila maaring malaman ang kani-kanilang target at pagkabahala. Kaya ang digmaan ng Hilaga at Timog Korea ay naging isang malaking digmaan na nagsangkot ng 18 bansa na kinabibilangan ng Tsina, E.U., dating Unyong Sobyet, Britanya at iba pa.
Prospek ng relasyong militar ng Tsina at E.U.
Bilang isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig, malaki ang impluwensya ng relasyon ng Tsina at E.U. sa mga suliraning pandaigdig. Kahit nananatiling malamig ang relasyong militar ng Tsina at E.U. kumpara sa kanilang mainit na relasyong pangkabuhayan at pampulitika, unti-unting lumilitaw ang positibong tunguhin ng relasyong militar ng dalawang hukbo.
Sa kanyang pananatili sa E.U., dumalaw si Liang sa halos lahat ng pinakamahagalang departamento at base ng panig militar ng E.U., at sa huling kalahati ng taong ito, dadalaw sa Tsina si Leon Panetta, Kalihim ng Tanggulan ng E.U. at magkasamang idaraos ng dalawang bansa ang mga magkasanib na pagsasanay militar sa makataong tulong at pakikipaglaban sa mga pirata.
Ang mga ito ay nagpapakita, na ang relasyong militar ng Tsina at E.U. ay umuunlad patungo sa positibong direksyon.
Bilang unang dalawang pinakamalakas na bansa sa daigdig, ang Tsina at E.U. ay mayroong malawak na komong kapakanan sa buong daigdig.
Tulad ng sinabi ni Leon Panetta, kahit hindi nagkakaisa ang posisyon ng E.U. at Tsina sa lahat ng mga isyu, ang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga hukbo ng dalawang bansa at maling konklusyon tungkol sa isa't isa, na maaring magdulot ng mga krisis, ay maaring maiwasan
Sinabi pa niya na ang positibo, kooperatibo at komprehensibong relasyon ng dalawang bansa ay kailangang-kailagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |